'May gustong sumira sa relasyon nina Sharon at Kris!' | Bandera

‘May gustong sumira sa relasyon nina Sharon at Kris!’

Cristy Fermin |July 20,2018
facebook
share this

‘May gustong sumira sa relasyon nina Sharon at Kris!’

Cristy Fermin - July 20, 2018 - 12:35 AM

SHARON CUNETA AT KRIS AQUINO

Walang problema sa pagitan nina Sharon Cuneta at Kris Aquino. Hindi man sila ganu’n ka-close at hindi man sila madalas na nagkikita ay walang kumpetisyong nagaganap sa kanila.

Pero may mga taong may hawak na lighter para lumikha ng apoy na sisira sa kanilang pagkakaibigan.

Maraming kumukuwestiyon kung bakit hindi pinahalagahan ng Megastar si Kris bilang bahagi ng pelikulang “I Love You Hater.”

Napakalinaw naman ng senaryo. Naglabas ng post ng pasasalamat si Julia Barretto sa lahat ng mga nakasama ng kanilang loveteam ni Joshua Garcia sa pelikula. Isinabay na rin ng young actress ang kanyang mga saloobin dahil sa ginagawang paghusga sa kanya ng mga bashers.

Si Julia Barretto ang nag-post, kaya natural lang na ang sentro ng mga posts ni Sharon ay kay Julia, hindi kay Kris Aquino. Pero walang sinabing makasasakit sa damdamin ni Kris ang Megastar.

Tama ang punto ni Sharon, alangan namang sumentro siya kay Kris, samantalang ang kinokomentuhan niyang post ni Julia ang dahilan ng mga pahayag niya.

Huwag na sanang lagyan pa ng malisya ang mga komento ni Sharon, siya na rin ang nagsabi na kapag ang pelikula ang pinag-usapan ay kasali na rin du’n si Kris, dahil bahagi ng proyekto ang aktres-TV host.

Nu’ng minsan ay sinabi ni Sharon sa isa niyang kaibigan, “Ibang klase talaga ang panahong ito. Bago ka mag-post, kailangang maingat ka talaga dahil may mga taong nagbibigay ng ibang conclusion!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending