Gwapong male personality malas sa lovelife, ipinagpalit ng ex-GF sa tibo | Bandera

Gwapong male personality malas sa lovelife, ipinagpalit ng ex-GF sa tibo

Cristy Fermin |July 20,2018
facebook
share this

Gwapong male personality malas sa lovelife, ipinagpalit ng ex-GF sa tibo

Cristy Fermin - July 20, 2018 - 12:30 AM

SA buong panahon ng kanyang pakikipagrelasyon ay ngayon lang nainsulto nang todo ang isang pamosong male personality. May mga artista siyang naging girlfriend, meron ding non-showbiz, pero aminado ang kanyang mga kaibigan na ngayon lang talaga siya nakatikim nang sobrang pagkainsulto.

Kung kaguwapuhan ang pag-uusapan ay wala nang kuwestiyon, isa siya sa pinakaguwapong personalidad ngayon, punumpuno rin siya ng talento at marunong makisama sa kanyang mga katrabaho.

“Wala kang masasabi sa taong ‘yun, sa ibang bansa man siya lumaki, e, Pinoy na Pinoy pa rin siya by heart. Hindi siya pinagbago ng paninirahan sa ibang bansa, daig pa nga niya ang mga taong dito talaga lumaki sa atin.

“Marespeto siya, marunong makisama, wala siyang kaangas-angas kahit pa puwede niya namang gawin ‘yun dahil marami na siyang napatunayan.

“Grabe ang pagiging low key niya, very humble, kaya maraming nagmamahal sa kanya,” papuring chika ng aming impormante.

Pero wala siyang suwerte sa pakikipagrelasyon, matagal din silang nagmahalan ng isang sikat na female personality, pero nagkahiwalay rin sila at pinakasalan na ng aktres ang isang non-showbiz guy.

“May ganu’n talagang lalaki, nasa kanya na halos ang lahat, pero pagdating sa lovelife niya, e, wala talagang nagaganap. Ganu’n ang nangyari sa kanila nu’ng isang sikat na female personality, di ba?

“Akala ng lahat, e, sa altar na magtatapos ang relasyon nila, pero hindi pa rin pala, bigla silang nagkahiwalay. Sayang na sayang,” chika pa ng aming source.

Pero ang pinakamatinding karanasan ng guwapong male personality ay nang ipagpalit siya ng kanyang girlfriend sa isang kapwa babae rin nito.

“Shocking Asia nga naman ‘yun, di ba? Imagine, sa kaguwapuhan niyang ‘yun, sa kabaitan niyang ‘yun, e, isang girl din pala ang ipapalit sa kanya ng babaeng minahal niya?

“Napakasakit nu’n, okey lang kung kapareho niyang lalaki ang ipinalit sa kanya, pero hindi nga! Isang tivoli ang ipinalit sa kanya ng girl, kaya napakasaklap naman ng naging kapalaran niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Totoo, some people are lucky and some men are not. Kasaklap nga naman,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending