Horoscope, July 20, 2018 | Bandera

Horoscope, July 20, 2018

Madam Sophia |July 20,2018
facebook
share this

Horoscope, July 20, 2018

Madam Sophia - July 20, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Walang maitutulong na mabuti ang hina ng loob. Sumugod ka lang nang sumugod upang tuloy-tuloy ng umasenso at lumigaya. Mapalad ang 2, 16, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Laging tumulong sa kapwa nang bukal sa loob. Sa ganyang paraan, kusang darating ang maraming suwerte at magagandang kapalarang hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa iyong puso habang patuloy na nagsisikap sa pagpapayaman. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang bagay na mahaba kapag nakatiklop at bilog kapag binuksan, kailangang-kailangan niya ito sa panahong ito ng tag-ulan. Mapalad ang 3, 9, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Om.” Green at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan at ituon na lamang muna ang buo mong lakas at oras sa sa iyong pamilya. Mapalad ang 4, 13, 28, 36 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tamal-Harayana-Om.” Beige at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, upang lalong tumibay ang pagmamahalan ay wag magpadala sa mga pintas at paninira ng iba. Kapag stable ang relasyon maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating. Mapalad ang 7, 17, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Green at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansiyal, sa sariling diskarte ay mas mabilis na lalago ang kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy ka nang yumaman. Kaya ang pangunahing atas, wag umasa sa lakas at kakayanan ng iba. Sarili mong husay at galing ang dapat na asahan. Sa pag-ibig, ang tampuhan ngayon ay mapapalitan ng mainit ng romansa sa araw ng bukas. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Gray at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Lutasin agad ang mga problema pang-pinansyal. Wag hayaang lumaki ang tubo ng mga inutang at ang credit card, magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin na ang kasuyong matampuhin upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 27, 31, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Fegerra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Tapusin agad ang mga nakabinbing trabaho. Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas masarap ng makapagre-relaks ang mararanasan. Sa pag-ibig isama ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal at panonood ng sine. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Green at maroon ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal upang mas madaling malutas ang mga problema. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Yama-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit, pero may kapalit. Dapat kang tumulong lagi sa iyong pamilya at sa mga kamag-anak mong nangangailangan. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ang pagyaman at pag-unlad ng kabuhayan. Mapalad ang 6, 9, 24, 29, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit na sobrang busy at hectic ang schedule, gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal upang lalong tumibay ang relasyon. Sa pinansyal, huwag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Cancer ng sa pera. Tandaan mong hindi makukumpleto ang buhay ng isang Capricorn na tulad mo kung walang isang Cancer na tulad niya. Mapalad ang 4, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kausapin ang isang taong nakasamaan ng loob at ipaliwanag sa kanya nang maayos ang iyong sitwasyon upang hindi na lumala ang problema. Sa pag-ibig, mas magiging mapayapa ang isipan kung laging kasundo ang minamahal. Mapalad ang 1, 9, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane-Om.” Lilac at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Mas mainam na ubusin ang oras sa paggawa ng mga plano at pagpapatupad nito nang tuloy-tuloy at walang tigil kaysa ubusin ang oras sa pagsisintir sa mga bagay na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakakamit. Oo, ituloy mo lang ang iyong mga pangarap, malapit na malapit mo nang mapitas isa-isa ang lahat ng gusto mong mangyari sa iyong buhay-basta ang mahalaga, huwag kang titigil hanggang magtagumpay. Mapalad ang 4, 16, 22, 34, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” White at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending