Horoscope, July 19, 2018 | Bandera

Horoscope, July 19, 2018

Madam Sophia |July 19,2018
facebook
share this

Horoscope, July 19, 2018

Madam Sophia - July 19, 2018 - 01:55 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa pagsisimba at pag-attend ng anomang spiritual gathering upang gumanda ang bagong pagkatao at ang bagong taong ito ng buhay mo. Sa pag-ibig, tuloy ang nakakikilig na pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Sa pinansyal, madaragdagang muli ang income. Mapalad ang 4, 14, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om”. Orange at lilac ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Hindi dapat panghinaan ng loob. Ngayon na ang pinaka-magandang pagkakataon upang sumugod. Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang puhunan upang masungkit ang isang matamis romansa. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Katha-Om-Umali.” Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kapag laging tinatapos agad ang mga gawain, mas malaking salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag ng umarte-arte pa, sige ka, baka lumipas ang pagnanasa ng kasuyo na makasama ka. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jiva-Gosvami-Om.” Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag mag-apura na umunlad, dahan-dahan at inot-inot lang ang mabisang pormula ng pagpapayaman. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong wala namang pangarap sa buhay. Mag hanap ng isang mapangaraping Sagittarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vai-Nhava-Om.” White at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Tama ang nabubuong kongklusyon sa iyong isipan, sariling kutob ng damdamin ang dapat sundin. Hindi pa huli ang lahat. Sa susunod na desisyon, sundin ang tinitibok ng puso upang lumigaya at magkaroon ng mas maraming pera. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Govinda-Om-Rama.” Black at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Uunlad at luluwag din naman ang buhay mo kung lagi kang magsusuot ng kulay na dilaw. Sa pag-ibig, wag maiingit sa kapareha ng iba, mas maraming magagandang katangian ang iyong kasuyo. Mapalad ang 1, 12, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Aum-Arjuna”. Bukod sa dilaw ang orange ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa ibayong dagat may mga mas magagandang oportyunidad matutuklasan upang yumaman at umunlad. Sa pag-ibig, isama ang mahal sa buhay isa alang-alang ang pagi-immigrant sa Australia o kaya’y sa Canada. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Factum-Aum-Miraculum.” Beige at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Wag ibuhos ang panahon sa pagtulong sa iba, tandaang hindi ka sinilang para mag charity. Paglaanan ang sariling pamilya, sa ganyang paraan, mas uunlad at mas magiging maligaya ka habang nagkaka-edad. Mapalad ang 3, 9, 21, 30, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Walang maidudulot na mabuti ang sama ng loob. Patawarin ang mga taong nakatampuhan. Sa ganyang paraan mas madaling darating ang magagandang kapalaran lalo na sa pag-ibig at pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, mas mainam na ang nagpapakumbaba, kaysa lagi ka na lang dominante. Utuin ang kasuyo sa halip na awayin. Sa pinansyal, habang nagpapakumbaba kusang darami ang kinikita. Mapalad ang 3, 19, 22, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Yellow at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pag-ibig, lalong mapapamahal ang kasuyo kapag malayo ka sa kanya. Sa pinansyal sa malayong lugar ka yayaman sa halip na sa sinilangang bayan. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Bhuvah.” Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung uunahin ang sarili mong kapakanan, mas mabilis kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, mahalin ng husto ang kasuyong Sagittarius bago siya tuluyang mawala. Mapalad ang 4, 13, 27, 33, 31 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Gray at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mas madali kang uunlad kung sa halip na magpa-plano ng matagal, ikilos mo na agad ang lahat ng iyong mga binabalak. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong ng kasuyong Capricorn upang magma-materialize ang lahat ng bagay na iyong iniisip. Mapalad ang 8, 11, 20, 29, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Om-Purana.” Silver at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending