Kris nag-sorry sa anak ni Binay: Ngayon ang tamang panahon para magtapat ako sa inyo!

By Alex Brosas July 19,2018
share this

Kris nag-sorry sa anak ni Binay: Ngayon ang tamang panahon para magtapat ako sa inyo!

By Alex Brosas July 19,2018
share this

KRIS Aquino bravely admitted the she apologized to Anne Binay, daughter of former Vice President Jejomar Binay.

She revealed it sa kanyang caption sa Instagram post niya. She was very happy dahil Anne helped her sa kanyang latest movie, ang “I Love You, Hater”.

“I prayed w/ tears in my eyes before posting this as i wait for our flight home… marami pong nangyari sa pulitika nung 2010 hanggang 2016 na wala po talaga sa kamay ko. Pero yun po ang katotohanan ng buhay, bitbit ko at ipagtatanggol ang apelyidong dala ko.

“Pero hindi man po ako ang nagdesisyon, kinailangan na maging tikom ang bibig- bilang respeto, bilang pagtupad sa pangako namin sa Mom namin na hindi kami magkakawatak watak.

Kaya lang po ngayon ang tamang panahon para magtapat ako sa inyo, bilang Kris personal akong humingi ng tawad sa kaibigan kong si @annebinay.

“Marami silang pinagdaanan pero ni minsan hindi nya ko sinumbatan. Nangailangan po ako ng tulong para sa I Love You Hater- nabasa nya po ang lahat ng mga pinagdaanan na pagsubok.

“Isang text nya na ‘how are you? how’s kuya?’ sinagot ko ng makatotohanang ‘akala ko Anne nakabangon na ko- hindi pa pala pwede.’ Sinabihan nya kong- COUNT ON ME.

“Today nagpadala sya ng mga pictures ng mga nanuod ng I Love You Hater na niregalo nya sa kin. Nag THANK YOU si Ate sa kanya- simple ang sagot nya: KRIS IS MY TRUE FRIEND. Thank You God for blessing my life w/ so many angels who saw beyond politics and see me just as a person, and a FRIEND. #lifelessons.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending