Abusadong male singer pinalayas sa bahay ng kaibigan, nahuling nagbibisyo sa kwarto

By Cristy Fermin July 19,2018
share this

Abusadong male singer pinalayas sa bahay ng kaibigan, nahuling nagbibisyo sa kwarto

By Cristy Fermin July 19,2018
share this

WALANG nagawa ang isang kilalang musikero nang palayasin na siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Nagmistula siyang basang-sisiw dahil wala na siyang mauuwian. Meron siyang mga anak pero may kani-kanyang buhay na ang mga ito.

Popular at may titulong hawak ang male singer na ito pero nitong mga huling taon ay parang naging patapon na ang kanyang buhay sa kawalan ng direksiyon.

Kuwento ng aming source na kasamahan din ng tumatandang paurong na musikero, “Sobrang tigas kasi ng ulo niya, hindi siya tumatanggap ng kamalian, para bang palaging siya ang tama. Hindi rin siya tumatanggap ng mga payo.

“Ilan na ba kaming nag-try pa payuhan siya para tumino, pero ano’ng ginawa niya? Inaaway pa niya kami, walang tigil ang pagmumura niya sa amin, samantalang para naman sa kabutihan niya ang ginagawa namin.

“Grabe na ang mga pinaggagagawa niya, may reason naman ang pamilyang kumupkop sa kanya para palayasin na siya, e. Imagine, wala na nga siyang ginagawa, pasanin na nga siya ng pamilya, pero nagpapapunta pa siya du’n ng mga katropa niya!

“Dadalhin niya sa kuwarto ang mga bisita niya, gumagawa sila ng kababalaghan du’n, nagdedenay pa ang walanghiyang ‘yun na may nangyayaring milagro sa kuwarto kahit pa buking na buking na sila!

“Ayun, napuno na ang family kaya sinabihan na siyang maghanap ng bago niyang matitirhan dahil wala na nga siyang naitutulong, e, pinagsasamantalahan pa niya ang kabaitan ng pamilya,” napapailing na kuwento ng aming source.

Dating sikat na sikat sa kanyang linya ang matandang male singer, pero nadiskaril ang kanyang career, siya mismo ang makasasagot nang tama kung bakit lumipad nang palayo ang magagandang oportunidad sa kanyang buhay at career.

“Waley na siya ngayon. Pabarya-barya na lang ang talent fee niya kapag may kumukuha pa sa kanya. Tapos na ang panahon ng musikerong ‘yun na lahat na lang ng maging manager, e, ipinagkakalat na tinakbuhan siya at bitbit ang pera niya!

“Makapal pa ang mukha niya, e, wala pa siyang utang na loob, ang kapal ng face ng musikerong ‘yun! Buti nga, pinalayas na siya ng pamilyang kumupkop sa kanya, dapat lang, dahil wala siyang utang na loob at mapagsamantala siya!

“Partner ni Pilar ang musikerong ito, mukha siyang bangkay na kababangon lang sa kanyang libingan!” pagtatapos na chika ng aming source.

Wala nang kailangang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending