Ex-gov’t official hihingi ng basbas kay ‘king maker’

By Den Macaranas July 18,2018
share this

Ex-gov’t official hihingi ng basbas kay ‘king maker’

By Den Macaranas July 18,2018
share this

NAGDESISYON na ang isang dating mataas na opisyal ng pamahalaan na tatakbo siya sa susunod na senatorial elections.

At isa sa kanyang mga plano ay ang paghingi ng tulong at basbas mula sa kanyang sikat at mayamang kaanak.

Kilala kasing king maker at political luminary ang kaanak ng dating opisyal kaya gusto niyang magsiguro sa darating na halalan.

Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan ang basbas ng paborito niyang “Tito” pero kailangan umano niyang manggulang at makasiguro para sa tiyak na panalo sa eleksyon.

Sinabi ng aking cricket na malinaw ang motibo sa pagbabalik sa pulitika ng ating bida at ito ang political shield dahil sa sangkatutak na kasong nakatakdang isampa laban sa kanya.

Hindi naman siya ang gumawa ng mga kalokohan kundi ang ilan sa kanyang mga dating tauhan at kaibigan na nakakita ng paraan para kumita noong nakaraang administrasyon.

Pero dahil hinayaan niyang mamayagpag ang mga ito kaya nadamay siya sa ilan sa mga
kaso.

Isa pa sa mga dahilan ng pagpasok ng dating pulitiko sa pamahalaan ay ang mismong problema sa loob ng kanilang political party.

Hanggang ngayon ay hindi sila makabuo ng grupo makaraang bumalimbing sa ruling party ang karamihan sa kanilang mga kaalyado lalo na sa local level.

Kailangan daw kasi ng poster boy ng kanilang partido at siya na mismo ang nag-volunteer sa kanyang sarili para rito.

Sinabi pa ng ating cricket na kumpyansa si Sir na mananalo sa halalan dahil nandyan pa raw ang magic ng kanilang pangalan.

Ang dating mataas na lider ng bansa na gustong tumakbo sa 2019 senatorial race ay si Mr. B…as in Baliwag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending