Zanjoe parang adobo; malasa, hindi agad napapanis | Bandera

Zanjoe parang adobo; malasa, hindi agad napapanis

Ambet Nabus |July 18,2018
facebook
share this

Zanjoe parang adobo; malasa, hindi agad napapanis

Ambet Nabus - July 18, 2018 - 12:35 AM

HINDI nga naman makakatulong sa movie nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez na “Kusina Kings”, kung sasagutin man o magkukuwento ang una tungkol sa relasyon nila ng isang model-surfer.

Una, wala naman itong kinalaman sa movie at naniniwala siyang “lumang style” na sa promo ng isang pelikula ang pag-usapan ang lovelife ng isang artista.

Respeto at space lang naman ang ni-request ni Zanjoe sa press kasabay ng pagtanggi sa pagsagot sa mga tanong about his personal life. Mas excited daw siya na pag-usapan ang ganda ng “Kusina Kings”.

Yung mga kalokohan na lang daw nila ni Empoy ang tutukan natin dahil bukod sa mga nakakatawa at nakakaloka nilang eksena ay may puso rin daw ang kanilang pelikula.

Besides, kapag nababanggit ang kusina, parang nalalasahan na rin namin si Papa Z na inihalintulad sa adobo ang sarili kung siya daw ay isang ulam. Meaning yummy at hindi agad nasisira! Ha-hahaha!

Showing na ngayong July 25 ang “Kusina Kings” na sesentro sa isyu ng friendship at kung paano itong sinubukan ng isang pangyayaring dapat ay mahanapan nila ng tamang recipe to stir the drama, humor and comedy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending