Meg may resbak sa mga nang-ookray sa 'Chiong Story' | Bandera

Meg may resbak sa mga nang-ookray sa ‘Chiong Story’

Ambet Nabus |July 17,2018
facebook
share this

Meg may resbak sa mga nang-ookray sa ‘Chiong Story’

Ambet Nabus - July 17, 2018 - 12:10 AM

HANGA kami sa pag-handle ni Meg Imperial sa kanyang mga bashers, lalo na sa mga namimintas sa latest movie niyang “Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)”.

Maraming netizens kasi ang nang-ookray sa bagong pelikula ng dalaga, komento ng ilan sa kanila ay baka maging poor version lang ito ng mga Hollywood movies na may katulad na tema.

But Meg replied to them with class and respect, aniya, ipinagmamalaki niya ang kuwento ng pelikula at ang pagkakabuo nito bilang isang true story.

Halos dalawang dekada na ang nakaraan nang mangyari ang isa sa pinakapinag-usapang rape case sa bansa lalo pa’t pawang mayayaman ang sangkot sa kaso.

At dahil ang anak ng henyong si direk Carlo J. Caparas (under his supervision) na si Peach Caparas ang nagdirek ng pelikula, asahan na ang bagong tatak at atake ng mga ganitong uri ng proyekto kung saan nga nakilala ang husay ng kanyang amad.

Kasama ni Meg sa movie ang internet sensation na si Donnalyn Bartolome, with Joel Torre and Alma Moreno portraying as their parents.

Bukas na, July 18, mapapanood sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula ni Direk Peach Caparas under Viva Films.

q q q

Speaking of rape, nagulantang ang mundo ng showbiz sa pag-aresto ng mga pulis kay Dr. Joel Mendez na two years na palang hinahanap ng batas.

May kaso pala itong rape na isinampa ng isang babaeng dating kliyente ng pag-aari niyang beauty spa. Nakilala si Mendez bilang celebrity doctor, at nitong mga nakaraang taon ay nadawit siya sa mga kasong tax invasion at hindi pagbabayad ng SSS contribution ng kanyang mga epleyado.

Ayon sa rape victim, menor de edad pa siya nang mangyari ang diumano’y panghahalay sa kanya ni Joel Mendez kaya’t nagtataka sila kung bakit ito pinayagang makapagpiyansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang latest tsika na nakuha namin ay ang umano’y paglapit ni Mendez sa mga noo’y naging kaibigan at natulungan niya na very influential na ngayon.

Meanwhile, may mga tsismis din na baka raw may lumabas pang ibang kliyente noon ni Mendez na posibleng naging biktima rin ng doktor, at totoo kaya na meron din daw mga lalaki?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending