Vice magiging reyna ng 2 primetime king; MayWard, DonKiss sama-sama sa Pasko | Bandera

Vice magiging reyna ng 2 primetime king; MayWard, DonKiss sama-sama sa Pasko

Ambet Nabus |July 17,2018
facebook
share this

Vice magiging reyna ng 2 primetime king; MayWard, DonKiss sama-sama sa Pasko

Ambet Nabus - July 17, 2018 - 12:10 AM

HINDI talaga pakakabog si Vice Ganda pagdating sa exposure sa social media. Nagkaroon na ng story conference ang 2018 MMFF entry niyang “Fantastica” kung saan magiging leading man niya sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

At kung hindi pa ito sapat, makakasama rin sa entry ni Vice ang mga promising loveteams ngayon: LoiNie (Loisa Andalio & Ronnie Alonte), DonKiss (Donny Pangilinan at Kisses Delavin) at MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber) at marami pang iba.

Imadyinin na lang ninyo kung paano pa itong palalakihin ng Star Cinema lalo pa’t sila pa lang ang nagtagumpay na pagsamahin sina Chard at Dong sa isang project. Idagdag pa nga ang mga pambatong loveteam ngayon.

Kapwa naging Primetime King ng GMA 7 sina Chard at Dong, pero never pa silang nagsama sa isang pelikula. Ibig sabihin din nito, si Vice Ganda nga ang magiging reyna nila sa holiday season.

Ganda mo talaga Viceral! Haba-haba ng hair! Hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending