Kylie tumangging mag-endorse ng gatas si Baby Alas, ayaw raw lokohin ang publiko | Bandera

Kylie tumangging mag-endorse ng gatas si Baby Alas, ayaw raw lokohin ang publiko

Jun Nardo |July 17,2018
facebook
share this

Kylie tumangging mag-endorse ng gatas si Baby Alas, ayaw raw lokohin ang publiko

Jun Nardo - July 17, 2018 - 12:05 AM

TINANGGIHAN ni Kylie Padilla ang offer na endorsement sa kanila ng anak na si Alas para sa isang powdered milk.

Nagpapadede pa rin kasi si Kylie ngayon sa anak nila ni Aljur Abrenica kaya hindi magiging makatotohanan kung gagawin nila ang offer na TV commercial para sa isang brand ng gatas.

“Siguro pag nag-powder na kami. Gusto ko ‘yung totoo,” rason ni Kylie nang makausap ng press sa taping ng teleseryeng The Cure.

May gusto sana silang tanggapin na endorsement pero may conflict dahil matataon ang shoot sa unang birthday ng anak.

“Gusto namin kapag birthday ni Alas, wala kaming gagawin kungdi ang mag-celebrate,” ani Kylie.

Siyempre, engrande ang first birthday ng anak nila ni Aljur. May kinuha pa silang party planner at ang magiging tema ng celebration ay safari/jungle.

Papayagan ba niyang pasukin din ng anak ang showbiz? “May chance! Ha! Ha! Ha! Pero hindi namin ipu-push sa kanya. Hahayaan namin siyang magdesisyon about that kasi buhay niya yun, e. At least, kung gusto niya ring mag-artista, may X factor siya. Hindi na siya mahihirapan,” deklara ni Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending