Kakai kay Ahron: Marami siyang nagawang mabuti sa akin kaya napatawad ko rin siya! | Bandera

Kakai kay Ahron: Marami siyang nagawang mabuti sa akin kaya napatawad ko rin siya!

Ervin Santiago |July 17,2018
facebook
share this

Kakai kay Ahron: Marami siyang nagawang mabuti sa akin kaya napatawad ko rin siya!

Ervin Santiago - July 17, 2018 - 12:25 AM

SANAY na ang singer-comedienne na si Kakai Bautista sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng mga bashers sa social media, lalo na kapag napag-uusapan ang naging relasyon nila ni Ahron Villena.

Sa presscon kahapon ng launching movie nina Kakai at Ahron bilang magka-loveteam, ang “Harry & Patty”, umamin ang komedyana na nasanay at namanhid na siya sa mga panlalait at pang-ookray sa kanya ng mga netizen.

“May tumawag na sa akin ng asyumera, ilusyunada, ambisyosa at kung anu-ano pang grabeng panlalait. Pero nasanay na rin, ang importante, nandito pa rin ako at nagtatrabaho nang matino. Kasi ‘yung sa amin naman ni Ahron, hindi naman talaga nila alam ang nangyayari pero ang dami-dami na nilang sinasabi,” pahayag ni Kakai.

Aniya, maayos na ang relasyon nila ngayon ni Ahron pagkatapos dumaan sa kontrobersya ang kanilang special friendship at in fairness daw, may dine-date siya ngayong non-showbiz guy.

“I learned a lot of things, lessons sa pinagdaanan ko sa kanya (Ahron). I’m sure marami rin siyang natutunan. I grew a lot when it comes to relationships. I’m actually dating some guys, hindi lang isa – out of showbiz. At saka lahat sila guwapo,” pagmamamalaki ni Kakai.

“Basta coffee, coffee lang, dinner, dinner lang. Kasi ngayon I’m enjoying myself as a single woman. May iba po akong priorities,” dagdag pa ng komedyana.

Hirit pa niya, “Masaya po ako sa buhay ngayon. Si Ahron po kapag kailangan ko siya or gusto kong manood ng sine, lumalabas kami. I learned a lot from the experience and sabi ko nga, who am I not to forgive someone, hindi ba? Saka marami naman siyang nagawang mabuti sa akin kaya there’s no reason why na hindi ko siya mapatawad.”

Marami rin daw natutunan si Ahron kay Kakai, “Nagkapatawaran kami sa isa’t isa. May mga bagay na hindi kami nagkaintindihan before and siguro parang one year kaming hindi nagkita noon.”

Hirit pa ng hunk actor, “Sabi ko tingnan mo, nag-aaway man tayo, hindi kita pinapatulan, mainis ka man, sige lang, tinatawanan ko lang. Tingnan mo, ngayon okay tayo, hindi ba?”

Inamin ng binata na hindi niya inakala na mabibigyan sila ng chance ni Kakai na magbida sa sarili nilang pelikula, ito ngang “Harry & Patty” under Cineko Productions.

“Given this kind of opportunity is a blessing. Hindi ko talaga tatanggihan and sabi ko nga, ako puwedeng palitan, si Kakai, hindi,” chika ni Ahron.

“Pero sabi ko nga I’m really happy na first major project ko sa big screen ay ito po, ang kasama ko si Dental Diva. Sa mga sumubaybay sa amin, sa mga nangyari sa amin, uunahan ko na po kayo, hindi po ito planado. Kami ay naging okay ng September and the movie was offered two months (after),” aniya pa.

Sinabi naman ni Kakai na talagang pinag-isipan muna niya kung tatanggapin ang project, “Kasi nga sobrang natatakot ako. Kasi alam niyo naman sikat na sikat ako sa pangba-bash and everything, lalo na kapag tungkol sa aming dalawa.

“Tapos naisip ko kailangan kong mag-ipon ng pera kasi mayroon akong bibilhin. So, naisip ko ‘yon, ‘Sige di bale na lang kahit anong sabihin ng tao, igo-go ko na ito,'” ani Kakai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napanood na namin ang trailer ng “Harry & Patty” at in fairness, may promise ang movie to make it big sa takilya. Showing na ito sa mga sinehan sa Aug. 1, directed by Julius Alfonso na siya ring nagdirek sa blockbuster movie na “Deadma Walking”. Ka-join din dito sina Carmi Martin, Bodjie Cruz, Donna Cariaga, Lou Veloso, Soliman Cruz and with special participation of Arci Muñoz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending