Kristoffer ipinagtanggol si Paul: Hindi sinaktan...wag pa-victim! | Bandera

Kristoffer ipinagtanggol si Paul: Hindi sinaktan…wag pa-victim!

Reggee Bonoan |July 16,2018
facebook
share this

Kristoffer ipinagtanggol si Paul: Hindi sinaktan…wag pa-victim!

Reggee Bonoan - July 16, 2018 - 12:35 AM

SI Paul Salas nga kaya ang nanakit sa girlfriend niyang si Barbie Imperial?

Siya kasi ang binabanggit ng followers ni Barbie sa Instagram matapos siyang mag-post ng, “Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan,” sabay pakita ng mga pasa niya sa dibdib at daliri. “HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY,” dugtong pa niya.

Pero agad ding tinanggal ni Barbie ang post niya pati ang mga litrato na meron siyang mga pasa, pinalitan niya ito ng isang photo kasama ang mga kaibigang sina Julia Barretto, Patrick Sugui, Josef Elizalde at Mario Gumabao na may caption na, “Protectors.”

Binasa namin isa-isa ang mga komento ng followers ni Barbie at talagang galit na galit sila kay Paul, may nagpayo pa ngang ipa-blotter na ng dalaga ang nangyari.

Samantala, ipinagtanggol naman si Paul ng kaibigan niyang si Kristoffer Martin at sinabing hindi raw sinaktan ng binata si Barbie. Tweet ng aktor, “There’s always two sides of the story. Mga naapektuhan wag pavictim.”

Ayon sa nasagap naming balita, naghiwalay na raw sina Paul at Barbie at ang dahilan ay ang kawalan ng oras ng aktres sa boyfriend niya dahil nga abala ito sa taping ng Araw Gabi kasama si JM de Guzman.

Matindi raw ang selos ni Paul kay JM kaya nag-away ng matindi ang dalawa hanggang sa nagkasakitan. Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Paul Salas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending