Horoscope, July 15, 2018 | Bandera

Horoscope, July 15, 2018

Madam Sophia |July 15,2018
facebook
share this

Horoscope, July 15, 2018

Madam Sophia - July 15, 2018 - 04:12 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Malaking halaga ng salapi ang darating basta’t lagi ka lang magsuot ng kulay na pula at berde. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagmamahal hindi matatapos ang buwang ito ng Hulyo aayon din sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Sandapha-Om.”
Aries – (March 21-April 19) — Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansyal, isang Leo ang makatutulong upang makaraos sa mga problemang may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Bukod sa red ang purple ay buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag mahihiyang sabihan ang kasuyo na “magtipid ka naman!” Para rin yan sa ikauunlad ng inyong future at sa ikaka-stable ng aspetong pang-financial ng inyong pamilya. Hindi mo ba napapansin kapag maraming pera mas masarap ang nagiging resulta ng romansa. Mapalad ang 6, 8, 21, 23, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay upang lalo pang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, masarap at sopresang romansa ang hatid ng isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Adonai-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat tumunganga, panahon na upang magpakasipag upang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig isang Capricorn ang magbibigay sa iyo ng isang masagana at magandang future. Mapalad ang 1, 13, 25, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Panatiliin ang pagpapakumbaba, upang makaiwas sa ibat-ibang intriga, Sa pag-ibig, isang kaibigan na naman ang lihim na maiingit sa iyong kagandahan. Wag mo siyang intindihin, guguluhin lang niya ang nanahimik at masayang buhay mo. Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Dosya-Om.” Gold at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at doon ninyo pag-usapan ang inyong problema. Sa tahimik na lugar may magandang solusyon maiisip upang lalo pang mapaunlad ang kabuhayan at lalo pang uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang pagbabakasyon sa ibat-ibang lugar sa darating na summer 2019. Ibig sabihin ngayon pa lang unti-unti ka ng mag-savings upang masigurado ang isang masarap at masayang bakasyon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39 at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Walang mangyayari sa iyong buhay kung mananatili kang nag-iisa. Kasuyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong kailangan. Sa pag-ibig, mas okey na ka-partner ang isang Cancer. Mapalad ang 7, 20, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag umasa sa biglang suwerte, umpisahan mo ng magsikap ngayon upang matupad ang pangarap mong yumaman. Sa pag-ibig, kung isang taong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang iyong mapapangasawa, mas madali kang uunlad, yayaman at liligaya. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yan ng kusa at walang kahirap-hirap! Hayaan mong mangyari ang mga dapat maganap wag kang kumontra sa agos ng buhay. Sa ganyang paaan sa bandang huli, malalasap mo rin ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa negosyo, wag na uling lokohin ang mga kliyente baka makahalata na sila. Mapalad ang 5, 13, 34, 39, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Orange at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon ang pinaka-tamang panahon upang kumilos at magsimula ng bago. Sa negosyo, bagong kalakal ang dapat na may kaugnayan sa pagkain at lamang-dagat, tulad ng isda at iba pang kauri nito. Sa pag-ibig, wag hayaang makapanghina ng iyong loob ang pesimistang kasuyo na wala ng ginawa kundi ang mamintas at pumula sa iyong mga ginagawa. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending