DoLE Integrated Livelihood Program | Bandera

DoLE Integrated Livelihood Program

Liza Soriano |July 14,2018
facebook
share this

DoLE Integrated Livelihood Program

Liza Soriano - July 14, 2018 - 12:10 AM

NAIS ko lamang po magtanong kung saan po pwedeng lumapit ang kagaya ko na may dalawang anak at
single parent na nais po magkaroon ng regular na trabaho o kahit po sapat na tulong para makapagsimula po ng maliit na negosyo. Saang sangay po ng gobyerno ako dapat lumapit? Sana po ma-tulugan mo ako.
Donna Ferreras

REPLY: Para sa ating letter sender, narito ang kasagutan sa iyong katanungan.

Para makatanggap ng tulong pang-kabuhayan ay hinihimok ng labor department na magparehistro sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Maraming klase ng tulong ang maaaring matanggap mula sa pamahalaan ngunit kinakailangan na magpa-akredito muna sila.

Nilalayon ng DILP na palakasin ang mahihirap at marginalized na manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong para sa capacity building at proyektong pangkabuhayan, ito man ay indibidwal o grupo.

Hinihikayat na mag-rehistro at magpa-akredit sa DOLE upang maging kwalipikado para sa tulong na magmumula sa pondo ng DILP, para muling mapalakas ang kanilang negosyo.

Upang mapabilang sa DILP, kailangang magsumite ng kumpletong dokumento at application form sa pinakamalapit na DOLE Regional/Provincial/Field Offices sa kanilang lugar.

Sa ilalim ng DILP, ang aplikante na magiging kwalipikado para makatanggap ng pondo ay kinakategorya bilang micro-livelihood, small livelihood, at medium livelihood.

Sa ilalim ng micro-livelihood, ang organisasyon na binubuo ng 15 hanggang 25 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na P250,000.00.

Iyong may 26 hanggang 50 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na P500,000.00, para sa Small Livelihood; ang organisasyon na binubuo ng mahigit na 50 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na aabot ng P1,000,000.00.

Tumutulong din ang DILP para sa mga indibidwal na proyekto, kung saan ang kwalipikadong benepisaryo ay maaaring makatanggap ng Starter Kit o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) at tulong-pinansiyal na P20,000.00.
Maaari din na mag check ng mga bakanteng trabaho sa PhilJobNet

Undesecretary Joel Maglunsod
DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending