Mr. Legislator busy sa stem cell therapy, botox

By Den Macaranas July 13,2018
share this

Mr. Legislator busy sa stem cell therapy, botox

By Den Macaranas July 13,2018
share this

ABALA sa pagpapaganda ng katawan ang isang may edad na ring mambabatas kaya hindi siya visible sa publiko sa mga nakalipas na araw.

Lately ay marami na rin ang nakapansin na medyo pigil na siya sa pagkain hindi tulad dati na akala mo ay bibitayin sa lakas ng paglamon.

Sinabi ng aking Cricket na nagpa-stem cell theraphy daw ang ating bida sa abroad at isinunod naman niya ang botox dahil medyo kulubot na rin ang kanyang mukha.

Wala namang masama sa ginawa ni Sir dahil gusto lang naman niyang maging feeling healthy at good looking lalo na sa harap ng publiko.

Bukod dito ay nagkaka-edad na rin naman ang ating bida kaya panahon na para ayusin niya ang kanyang itsura.

Dati na natin siyang naging subject sa ating Wacky Leaks makaraang atakehin ng pananakit ng dibdib habang nagja-jogging sa pag-asang mababawasan ang kanyang timbang.

Hindi na niya ito muling inulit pa dahil baka matuluyan na raw siya sa ikalawang pagkakataon.

Sinabi ng ating Cricket na isang kapwa rin nya mambabatas ang
nagrekomenda sa kanya na magpa stem cell at botox dahil gumanda raw ang kanyang pakiramdam after na sumubok sa nasabing mga proseso.

Minsan na rin niyang naisipang magpa-liposuction pero pinigil siya ng ilang mga kaibigan.

Sa edad nga naman niya ay tiyak na magiging lawlaw ang kanyang pangangatawan kapag basta na lamang itong iniwan ng mga sebo at mantika sa tiyan.

At para maging kumpleto ang kanyang makeover, bumili rin ng bagong SUV ang ating bida na kanyang paniguradong ibabandera sa ilang mga kapwa mambabatas.

Ang mambabatas na inaasahang poging-pogi ang dating sa mga susu-nod na araw ay si Mr. F…as in Frappe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending