Horoscope, July 13, 2018

By Madam Sophia July 13,2018
share this

Horoscope, July 13, 2018

By Madam Sophia July 13,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy ang pasok ng magulong kapalaran. Iplanong mabuti ang mga dapat gawin. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera pero kung hindi magtitipid ay bigla rin itong mauubos. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Maging maingat. Sa pag-ibig, kapag nagpabigla-bigla ng desisyon, may kapalpakang maganap. Sa pinansyal, wag munang maglakbay at wag munang maglabas ng malaking halaga ng salapi until July 21. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Magenta at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Panatiliin ang ugaling matulungin. Darating ang panahong ikaw naman ang tutulungan ng tadhana, magkakaroon ka ng limpak-limpak na salapi nang hindi mo inaasahan. Sa pag-ibig, may masarap na romansang idudulot ang pakikipagrelesyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Purana-Om.” Gray at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang makaiwas sa karamdaman, simulan ang bawat araw sa regular na page-ehersisyo. Sa pag-ibig, kailangang palakasin ang katawan upang makarami sa minamahal. Sa pinansyal, ituloy ang operation malawakang pagtitipid. Mapalad ang 1, 5, 14, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Gray at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ganoon talaga ang pag-ibig, kailangang masaktan bago tuluyang lumigaya. Sa pinansyal, mag-ipon ka ng maraming pera at magpayaman upang muling bumalik sa iyo ang kasuyong materyoso. Mapalad ang 7, 19, 20, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Magkatotoo ang iyong mga pangarap basta’t wag ka lang magpabago-bago ng isip at pagpapasya. Mag-concentrate sa dalawang bagay lamang: pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Bigyang pansin ang tungkol sa pag-ibig. Kapag hindi ka nagmahal, tuluyang mawawala ang isang nilalang na nakatakda na sa iyo. Sa pinansyal, muling magsimula ng bagong kalakal na may kaugnayan sa politika at modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Silver at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Ang panahong ito ng tag-ulan ang magbibigay ng sigla upang tapusin ang lahat ng gawaing nakabinbin. Sa pag-ibig, iigting at lalong sisigla ang libido dulot ng isang nilalang na makikilala mo sa pamamagitan ng modernong kumunikasyon. Mapalad ang 6, 12, 21, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tetra-Malka-Om.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, wag pumatol sa mga tsimis. May babala na masuot ka na naman sa malaking problema dahil sa intriga. Sa pinansyal, wag ikalungkot ang kawalan ng salapi dahil sa susunod na buwan ng Agosto, kusang gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 7, 16, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi makapapanaig ang problema kung magdadasal nang regular. Tuwing magdarasal, hilingin kay Lord ang pagkakaroon ng maraming pera hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, dasal din ang magpapatibay at magpapaligaya sa inyong relasyon. Mapalad ang 3, 7, 24, 27, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra-Om.” Orange at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Gawing inspirasyon ang pamilya upang lalo ka pang yumaman at umunlad. Sa pag-ibig, ang pagiging tapat sa kasuyong Cancer ang maghahatid sa walang kahulilip na ligaya. Mapalad ang 7, 8, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Yasoda-Om.” Gold at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag mag-inaarte! Hindi dapat tanggihan ang mga bagay na inaalok ng kapalaran. Sa pag-ibig, kung sino ang unang dumating sunggaban agad. Sa pinansyal, wag nang isnabin ang mga opportunity na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ng 4, 19, 26, 31, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Kedemel-Om.” Red at Purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ang buhay ay tila isang tele-nobela, alalahanin mong ikaw ang bida. Ang mga tiisin sa ngayon ay magbubunga ng ligaya at tagumpay sa araw ng bukas. Sa pinansyal, magpalakad-lakad dahil habang naglalakad makakatisod ka ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 4, 28, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Homine-Om-Homine.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending