AlDub top loveteam pa rin sa 2018 Twitter PH

By Jun Nardo July 13,2018
share this

AlDub top loveteam pa rin sa 2018 Twitter PH

By Jun Nardo July 13,2018
share this

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAGKAKAISA pa rin ang AlDub Nation sa pagsuporta kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kaya naman ang AlDub loveteam pa rin ang nanguna sa Twitter PH sa top loveteams mula January hanggang June, 2018.

Hindi lang sa pagsuporta sa AlDub aktibo ang fandom, dahil kaugnay ng 156th weeksary ng phenomenal loveteam, isang ADN Foodfest 2018 ang kanilang inorganisa. Magaganap ito sa July 14 sa The Tent, Estacia Estates, Acacia Avenue, Taguig City.

Sa hashtag nitong #ADNFoodfest2018, may pictures doon ang sari-saring pagkain na puwedeng kainin at puwede ring mag-pre order, huh!

May instructions ding inilabas ang organizers kung paano makakakuha ng tickets, mag-pre order at kung paano magpunta sa venue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending