Kris pinalakpakan sa ‘I Love You, Hater’, Joshua, Julia iyak kung iyak

By Julie Bonifacio July 13,2018
share this

Kris pinalakpakan sa ‘I Love You, Hater’, Joshua, Julia iyak kung iyak

By Julie Bonifacio July 13,2018
share this

JULIA BARRETTO, JOSHUA GARCIA AT KRIS AQUINO

PINALAKPAKAN si Kris Aquino sa kanyang eksena with Ronaldo Valdez and Joshua Garcia sa “I Love You, Hater” sa ginanap na premiere night ng pelikula last Tuesday sa SM Megamall Cinema 7.

Walang dialogue si Kris sa naturang eksena habang nagsasalita si Ronaldo na gumanap bilang ama niya na may sakit na Alzheimer.

Punumpuno ng emosyon ang pagluha ni Kris na talagang mararamdaman ang nag-uumapaw na saya sa puso niya knowing that her dad is still thinking about her at mahal na mahal din pala siya.

Akala kasi ni Kris ay walang ibang mahal ang kanyang daddy kundi ang kapatid niyang lalaki na matagal nang patay.

After ng premiere night, hindi na umapir si Kris sa late-dinner cast party ng “I Love You, Hater.” Maaga raw kasi ang flight niya papuntang Hongkong kinabukasan (Miyerkules).

Ewan lang namin kung inihatid siya ng “escort” niya that night at nali-link sa kanyang si Atty. Gideon Pena.

In fairness, ang laki ng ibinata ng hitsura ni Kris, halos ka-age level lang niya ang JoshLia that night.

Samantala, ilang beses ding pinalakpakan ang JoshLia sa kanilang madadramang eksena sa “ILYH” na showing na ngayon nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending