Horoscope, July 12, 2018

By Madam Sophia July 12,2018
share this

Horoscope, July 12, 2018

By Madam Sophia July 12,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na dadapo ang magandang kapalaran kung pula ang isuot na kulay. Sa kulay na pula, maraming pera ang darating at masarap na romansa ang matitikman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red buenas din ang pink.
Aries – (March 21-April 19) — Wag masyadong maging demanding baka tuluyang mawala ang minamahal. Minsan ikaw naman ang sumunod at magparaya. Sa ganyang paraan, ang inyong relasyon ay mas magiging kapanapanabik at mas magiging maligaya. Sa panansyal kailangan magtipid at ito’y ipatupad na ngayon. Mapalad ang 3, 9, 23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor-Om.” Pink at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Habang patuloy na nagiging malambing sa kasuyong Virgo nakahanda na ang magaganap – isang masarap na romansang hinding-hindi mo malilimutan. Alisin muna sa isipan ang mga suliraning may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 6, 12, 15, 21, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Dosya-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Lalo mo pang palawakin ang iyong mundo. Habang dumarami ang mga kaibigan darami rin ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mararanasan mo ang masarap na relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Gayatri-Om.” White at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi ka masaya sa kasalukuyang relasyon wag ng piliting mapreserba pa ito lalo ka lang mahihirapan. Maghanap ng isang Scorpio na magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, tuloy ang kabig ng malaking halaga. Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bisvivit-Quivit-Om.” Red at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang pagiging seloso ay madadagdagan lang ang tension at stress sa iyong buhay. Palayain ang kasuyo, upang lalo nyang madama ang iyong pagmamahal. Sa pinansyal, makakatulong sa problema ang isang kaibigang Aries. Mapalad ang 3, 17, 24, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nulli-Secunda-Om.” Black at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tanungin ang sarili: “May mga pagbabagong bang nangyayari?” Wala! Dahil ang pagbabago ay kailangang magsimula sa puso. Sa pag-ibig, kalimutan na ang relasyong hindi ka naman nagiging masaya, sa isang Libra ka tunay at talagang liligaya. Mapalad ang 9, 17, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Violet at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Walang magiging problema kung itutuon na lamang sa kasuyo ang iyong mga mata at wala ng ibang titingnan pa. Sa pinansyal, may darating na mangungutang, tanggihan siya sa malumanay at maayos na paraan. Mapalad ang 3, 18, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Om.” Pink at black ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang humingi ng tulong sa isang Capricorn. Siya ang lulutas sa mga problemang pang-pinansyal. Sa pag-ibig sa isang Cancer matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 36, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Agara-Om.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng bahagi sa iyong buhay. Bago tuluyang mahulog ang loob, isipin mong mabuti kung paano siya mapapakinabagan. Sa pag-ibig mag-ingat sa immoral na relasyon. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Gray at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag puro trabaho, pahalagahan ang mga sandali na kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Sa ganyang paraan, dahil ang pamilya ang iyong inspirasyon mas madali kang yayaman. Mapalad ang 4, 14, 22, 32, 37 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Babanam-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — May magte-text, ang dating ka-relasyon ay nangungumusta. Wag na siyang hayaan pang maging bahagi uli ng buhay mo. Sa pinansyal, mas mainam pang bigyang pansin ang pagpapayaman, kaysa sa ano pamang mga bagay. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Aspera-Astra-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Regular kang uminom ng multi-vitamins, damihan din ang iniinom na tubig at regular na mag-exercise. Sa ganyang paraan, maiiwasan ang karamdaman. Alalahanin mong sa pagpapalusog ng katawan, mas hahaba ang iyong buhay at mas mapapakinabangan pa ng iyong pamilya ang iyong kakayahan, Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Krisna-Om.” Red at gray ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending