Relasyon nina Enrique at Liza lantad na; ‘nilalanggam’ sataping ng Bagani

By Alex Brosas July 12,2018
share this

Relasyon nina Enrique at Liza lantad na; ‘nilalanggam’ sataping ng Bagani

By Alex Brosas July 12,2018
share this

MARAMI ang kinilig sa message ni Liza Soberano sa photo nila ni Enrique Gil.

“Never in my life have I been more sure,” say ni Liza. Na sinagot naman ni Enrique ng, “Mee too. I love you.”

Ang ibig kayang sabihin ni Liza ay sure na sure na siya sa pagmamahal niya kay Enrique kaya ibinabandera na niya ito sa publiko?

Ang daming nag-react sa post nilang iyon. May ilan pang nagchika kung gaano sila ka-sweet sa taping ng Bagani.

“Nagpunta mismo kami sa taping ng Bagani, at doon talaga namin nakita kung paano alagaan ni Enrique si Liza.

“Grabe, hindi hinihiwalayan, laging nakaalalay, may kiss si Liza kay Enrique after ng fighting scenes, at inaayos pa niya ang buhok at costume ni Liza.

“Sobrang sweet nila sa isat isa. Totoo po ito, at first time kong sumama sa group.”

“I love this couple. Genuine and family oriented. They don’t need to impress, they are lucky to have each other.”

“Agree! I think naman everyone can feel the love is real between LizQuen whether they’re a fan or not! They’re the only loveteam that had crushes on each other before working together so it’s not far fetched that they fell in love.”

“Grabe ang ganda ni Liza at ang gwapo ni Enrique. Sobrang perfect match sila!!!”

Super happy ang dalawa lalo pa’t umaariba ang Bagani nila sa rating. One thing more, after La Luna Sangre, ang Bagani ang most talked about teleserye ayon sa Twitter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending