Ai Ai bumuo na rin ng ‘makulay’ na all-female group

By Jun Nardo July 12,2018
share this

Ai Ai bumuo na rin ng ‘makulay’ na all-female group

By Jun Nardo July 12,2018
share this

MAY all-female singing group na rin na inaalagaan si Ai Ai delas Alas. Bukod sa rap group na Ex Battalion, dagdag sa talents ng komedyana ang Moogi G.

Sila ang magsisilbing front act sa “Kami Ex B” concert ng Ex Battalion sa July 14 na gaganapin sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Moowi ang bigkas sa pangalan nila na isang Dutch word na ang ibig sabihin ay beautiful at ang G naman ay para sa salitang “girl”.

Ang kakaiba sa limang members ng grupo, kulay ang screen names – Red M, Peach B, Black G, Violet K at Pink J, huh! Rason ni Ai Ai sa paggamit ng colors sa pangalan ng grupo niya, matindi ang pangangalaga nila sa kanilang private lives.

“Para madali silang matandaan ng publiko,” katwiran pa ng nag-iisang Comedy Queen.

Para sa kanilang debut single, kinumisyon ang multi-awarded musician na si Jungee Marcelo para gawin ang kantang “Yass Call Me”. Si Ai Ai naman ang gumawa ng 34-seconder teaser ng music video na nagkaroon ng official launch sa YouTube kahapon, July 11.

Bukod sa planong pagkanta, ibi-build up din siya ang grupo para maging artista pero susundan niya ang paandar ng Seiko Fims noon sa movies na napapanood ang mga artista sa big screen pero hindi nakakausap ng entertainment press para mapanatili ang kanilang mystery, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending