‘Nanalo na ang Ginebra, nagbalikan pa sina Cardo at Alyanna!’

By Cristy Fermin July 12,2018
share this

‘Nanalo na ang Ginebra, nagbalikan pa sina Cardo at Alyanna!’

By Cristy Fermin July 12,2018
share this

BINULABOG ng Ang Probinsyano ang emosyon ng ating mga kababayan nu’ng isang gabi. May mga tumawag sa amin na ninenerbiyos, may galit na galit kay JC Santos, meron na ngang naluluha dahil patay na raw yata si Cardo na siyempre pa’y ginagampanan ng bumibidang si Coco Martin.

Nagpatalastas. Pagbalik sa ere ng serye ay ipinakita si Alyanna, si Yassi Pressman, na biglang napaigtad sa paggising. Namputsa!

Panaginip lang pala ang eksenang pinagbabaril ni Marco si Cardo sa hanging bridge! Inis na inis ang mga kaibigan namin, halos hindi na raw sila makahinga sa eksenang ‘yun, pero dream sequence lang pala!

Pero masayang-masaya naman ang mga loyalista nina Coco at Yassi, ibig sabihin daw ay malayung-malayo pa ang tatakbuhin ng serye, lalo na ngayong nagkasundo na uli ang gumaganap na mag-asawa.

Sabi nga ng anak-anakan naming si James Vincent Navarrete na regular na tumututok sa serye, “Ayan, nagkabati na sila! Nanalo pa ang Ginebra! Saan ka pa!”

Ibang klase ang hatak sa publiko ng seryeng ito, talagang hindi pumapayag ang mga Pinoy na makalampas sa kanila ang maaaksiyong eksena ng palabas, lalo na ang ikot ng pagmamahalan nina Cardo at Alyanna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending