2 suspect sa Ecija mayor slay dakip sa CamSur

By John Roson July 11,2018
share this

2 suspect sa Ecija mayor slay dakip sa CamSur

By John Roson July 11,2018
share this

DINAKIP ng mga pulis ang dalawang lalaking hinihinalang may kinalaman sa pagpatay kay Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija, sa isang checkpoint sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga.

Nadakip sina Florencio Suarez, 48; at Robert Gumacay, 35, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Sakay sina Suarez at Gumacay ng kulay-beige na Toyota Avanza (temporary plate no. PGQ-134) nang maharang ng mga tauhan ng Del Gallego Police sa bahagi ng Andaya National Highway na nasa Brgy. Cabasag, dakong alas-9:30.

Si Suarez ang nagmamaneho sa sasakyan, at sa tabi niya’y nakita ang isang kalibre-.45 pistola, ani Calubaquib.

Iniimbestigahan pa ang dalawa habang isinusulat ang istoryang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending