Palasyo sinabing tuloy lang trabaho ni Du30 sa harap ng pagbaba ng rating

July 11,2018
share this

Palasyo sinabing tuloy lang trabaho ni Du30 sa harap ng pagbaba ng rating

July 11,2018
share this

IGINIIT ng Palasyo na tuloy lang ang trabaho ni Pangulong Duterte sa kabila ng pagbaba ng 11 porsiyento ng kanyang net satisfactiom rating matapos makakuha ng 45 porsiyento noong Hunyo kumpara sa 56 porsiyento noong Marso.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinikilala ng Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

“It is worth mentioning that the survey was conducted from June 27-30 of this year, which marked the end of the President’s second year in office,” ayon pa kay Roque.

Iginiit niya na mas mataas pa rin ang nakuhang 45 porsiyentong net rating ni Duterte kumpara sa mga naunang presidente sa kanya.

“The Chief Executive’s +45 rating during the said period remained the highest, compared to his last three predecessors.  During the end of their second year in office, Presidents Estrada, Arroyo, and Aquino received net satisfaction ratings of +5 in March 2000, +6 in November 2002, and +42 in May 2012, respectively,” paliwanag ni Roque. 

Hindi pa naman sakop ng survey ang panahon kung saan tinawag ni Duterte ang Diyos na “stupid”.

“Regardless of numbers, we assure everyone that the President and the members of his Cabinet would continue to work double-time in bringing the fruits of a better and more inclusive economy, andin strengthening the government’s drive against illegal drugs, crime, and corruption,” sabi pa ni Roque. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending