Exclusively dating, ano ba talaga ‘yun?

By Beth Viaje July 11,2018
share this

Exclusively dating, ano ba talaga ‘yun?

By Beth Viaje July 11,2018
share this

DEAR Ateng Beth,

Hindi ko alam kung serious ang lalaking ka-date ko for more than a month na.

Napag-usapan namin kasi na we are exclusively dating. At ang alam ko pag ganitong exclusively dating, ay kami lang ang magde-date sa isa’t isa.

Ang kaso po, minsan ay nahuli ko po siyang may kasamang iba. Sabi niya kaibigan lang daw niya iyon.

At bakit ba raw kung magtanong ako ay parang BF ko na siya?

Naguguluhan po ako, ateng Beth. Hindi kaya ginogoyo lang ako nitong ka-date ko ng ekslusibo? Bakit ba kasi ang dami-daming mga labels ngayon?

Pero ako seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya. Ano bang mabuti kong gawin?
Lalaine of Pasig City

Dear Lalaine,

Sa totoo lang, ako man ay gulong-gulo rin sa napakarami ninyong tawag sa mga napakakumplikado ninyong mga relasyon (o kawalan ng relasyon).

Noong panahon namin (and please take note, hindi pa naman masyadong katagalan iyon, kaya huwag kang tatawa-tawa diyan) ang phases lang ay ligiwan, magnobyo/magnobya, break o magkakatuluyan.

Ngayon sang katerba ang daming label! Ngayon may dating bukod pa sa exclusively dating (so me general dating din ba?!) MU, at kung anong anik-anik pa. So, paano hindi malilito kung napakakumplikado ng mga labels meron ngayon.

Kung sa tawag niya e hindi kayo mag-nobyo ano nga naman ang ihahabol mo?

Ibig sabihin wala siyang commitment sa iyo, hindi ba? So in short pinaaasa mo lang ang sarili mo.

Kung ngayon pa lang ay may ibang tono na iyang lalaking ginugusto mo (have you heard him saying, ‘bakit kung magtanong ko parang BF mo na ako?’)

Walk out na, ‘teh. Nag-aaksaya ka lang ng panahon at pagod sa lalaking ganyan na mukhang wala naman yatang matinong plano para sa ‘yo.

Mukhang ikaw lang ang nakakaintindi sa exclusive dating; sa kanya as in dating lang.
So, para walang conflict, ‘wag ka na ring magpaka-exclusive sa kanya. Layasan mo na ‘yan!

May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text
ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending