Viral na to: Maymay nagpaka-model sa Palawan | Bandera

Viral na to: Maymay nagpaka-model sa Palawan

Ervin Santiago |July 10,2018
facebook
share this

Viral na to: Maymay nagpaka-model sa Palawan

Ervin Santiago - July 10, 2018 - 12:20 AM

MAYMAY ENTRATA

Viral ang mga Instagram photo ni Maymay Entrata na kuha sa isang resort sa Palawan. Puring-puri ng mga netizens ang PBB Lucky Season 7 Big Winner sa kanyang mala-model na aura.

In fairness, pinatunayan ni Maymay na talagang meron siyang magic pagdating sa pagpo-project sa harap ng camera. Kering-keri niyang magpabagu-bago ng itsura.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang kumukumbinsi kay Maymay na mag-join sa Asia’s Next Top Model.

Sa isang panayam sinabi ni Maymay na, “‘Yung skills ng pagiging modelo, medyo kailangan dapat i-enhance talaga ng mabuti kaya ang masasabi ko po sa ngayon hindi pa talaga ako handa.

“Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon sa susunod na mga taon at handa na ako, oo, bakit naman po hindi?” aniya
pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending