Juday, Ryan ninang at ninong sa kasal ni Iza | Bandera

Juday, Ryan ninang at ninong sa kasal ni Iza

Julie Bonifacio |July 10,2018
facebook
share this

Juday, Ryan ninang at ninong sa kasal ni Iza

Julie Bonifacio - July 10, 2018 - 12:05 AM

RYAN AGONCILLO, JUDY ANN SANTOS, IZA CALZADO AT BEN WINTLE

NI-REVEAL ni Iza Calzado ang ilang detalye sa magaganap na kasal nila ng kanyang fiancé na si Ben Wintle nu’ng makausap namin during the grand media launch ng 2018 Cinemalaya Film Festival. Kabilang dito ang line-up ng kanilang principal sponsors.

Ayon kay Iza, tatlong pares lang ng ninong at ninang ang kukunin nila ni Ben. Sa totoo lang, ayaw daw talaga sana nilang kumuha ng ninong at ninang.

Nu’ng umpisa ay ayaw pang pangalanan ni Iza kung sinu-sino ang tatlong pairs ng principal sponsors for her wedding, but eventually, binanggit din niya ang pangalan ni Judy Ann Santos.

“Si Juday pa lang, at pumayag na siya,” say ni Iza sa amin. Siyempre, magiging ninong din daw ang mister nitong si Ryan Agoncillo. ‘Yung iba pang kinu-consider nila ay hindi na taga-showbiz.

Tinanong namin kung bakit si Juday, “Because she’s somebody that I really look up to and we’ve been friends naman since 2004. So, ang kailangan sa akin may matagal na relationship. I also look up to her as a family woman. Alam mo ‘yun? I’ve always felt her guidance in this business. Parang dati meron siyang project, ipapasa niya sa akin. So, parang grateful ako doon.”

Hindi raw nagulat si Juday nu’ng sinabi niya na kukunin siya bilang ninang sa kasal ni Iza. Nagninang na rin daw kasi si Juday sa kasal nina Suzie Entrata at Paolo Abrera.

Meron na rin daw kinuhang wedding coordinator si Iza para hindi siya mabaliw lalo pa’t may natanguan pa siyang proyekto. Tulad na lang ng Cinemalaya movie niyang “Distance” sa direksyon ni Perci Intalan.

Ang “Distance” ang ikalawang pelikula ni Iza sa Cinemalaya filmfest. Ang una ay ang “Mga Mumunting Lihim” kung saan nakasama niya sina Juday, Agot Isidro at Janice de Belen.

Nanalo rin si Iza as Best Actress together with her co-stars sa “Mga Mumunting Lihim.” Kaya tinanong namin siya kung madu-duplicate ba niya ang kanyang Best Actress win sa Cinemalaya via her new movie.

“Hindi naman tayo sumali dito para mag-best actress. Actually, this year, it was also a big thing na parang lahat ng projects with ABS was a little bit delayed, so I said, ‘You know what? We have to be productive.’ And then, this script came along and I said, ‘You know, let’s do this. It will only take eight days to do it, let’s do it,’” esplika niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pakiramdam ni Iza hindi ang “Distance” ang huling project niya bago siya ikasal kay Ben. Meron pa raw siyang gagawin under ABS-CBN. May unawaan na rin daw sila ng ABS-CBN tungkol sa nalalapit niyang kasal.
Anyway, local designer ang gagawa ng kanyang wedding gown na any moment ay uumpisahan na ang pagtahi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending