AlDub Nation payag ipahiram si Maine kay Coco? | Bandera

AlDub Nation payag ipahiram si Maine kay Coco?

Ambet Nabus |July 08,2018
facebook
share this

AlDub Nation payag ipahiram si Maine kay Coco?

Ambet Nabus - July 08, 2018 - 12:01 AM

HINDI rin puwedeng irason ni Coco Martin na kaya niya gustong makatrabaho si Vic Sotto ay dahil matagal na niya itong pangarap.

At dahil may mass appeal naman si Maine Mendoza, wish din niya na sana’y payagan itong maging leading lady niya. Ang tanong nga lang, paano ito tatanggapin ng fans nina Maine at Alden Richards? Baka naman iboykot lang ito ng AlDub Nation?

There’s always competition kahit saan man natin tingnan kahit ano pang kaek-ekan ang sabihin nila sa madlang pipol.

Kaya nga this early ay gusto naming i-challenge ang mga lalahok this year sa MMFF na busisiin at ayusin ang mga detalye ng kanilang entries.

Kung mamadaliin nila at lalabas ding walang ipinagkaiba sa previous entries nila bakit pa sila magsasayang ng puhunan at oras?

And yes, kailangan pa ba nating banggitin ang usapin ng pulitika sa mga marketing at advertising departments ng mga TV networks? Na tipong kahit may pambayad ang isang outfit na mag-place ng movie ad eh tatanggihan lalo pa’t alam nilang “threat” ito sa box-office ng sarili nilang entries?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending