Payo sa MayWard: Huwag magpapaapekto sa selos! | Bandera

Payo sa MayWard: Huwag magpapaapekto sa selos!

Ervin Santiago |July 06,2018
facebook
share this

Payo sa MayWard: Huwag magpapaapekto sa selos!

Ervin Santiago - July 06, 2018 - 04:19 PM


Naniniwala ang Head ng TV Entertainment ng ABS-CBN na si Lauren Dyogi na hindi talaga para sa kanila ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Kamakailan ay inamin niyang nanghinayang siya sa hindi pagkapili kay Maine nang mag-audition ang dalaga sa Pinoy Big Brother ilang taon na ang nakararaan. Nag-post pa si Direk Lauren sa kanyang vlog ng isang video clip kung saan mapapanood ang pag-o-audition ni Maine sa PBB.

Sa 7th episode ng YouTube series ng TV executive, muling nabanggit ni Direk ang pangalan ni Maine nang magkuwento tungkol sa matagumpay na career ngayon ng tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na parehong produkto ng PBB. Aniya, siguradong iba rin ang mangyayari sa career ni Maine kung napili siya noon bilang housemate ni Kuya.

“Maymay with Edward worked. Maymay without Edward, hindi pa natin alam how that will happen. In the same way that people will… Nanghihinayang ako kay Maine. Pero without Alden (Richards), we don’t know if Maine will work in PBB lang,” paliwanag pa ni Direk Lauren.

Ang tinutukoy nga ng bossing ng ABS-CBN ay ang AlDub loevteam na naging phenomenal nga simula nang tuksuhin sila sa Eat Bulaga.

“Nag-work ‘yung Maine at Alden sa Eat Bulaga, so iyon ang kapalaran niya. Hindi iyon kawalan sa amin. Hindi talaga kami ang tamang paraan para sa kasikatan niya. And I’m very, very happy for Maine,” aniya pa.

Samantala, speaking of MayWard umani na ng 89,950 likes at libu-libong comments ang litratong ipinost ni Edward sa Instagram kasama si Maymay. May caption itong, “Mahalo, mga Kapamilya! Until next time!”

Kuha ito sa Hawaii kung saan naging bahagi sila ng pagtatanghal ng ASAP Live doon. Narito ang ilan sa mga comments ng kanilang followers.

“Nakakabaliw tlga as in. Hahahaha! Yung paulit ulit na pinapanood videos and interview nila. araw2 puyat 3 am kana nakakatulog woooo! MayWard lab u both.”

“Hello babies! Wag kau masyado magpapadala sa mga jelly jelly nyo dahil nakaka destroy yan ng relationship. Always commit all your plans to God para maging succesfull whatever your plan is. Still stay humble and take care of each other. We love you!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending