Turismo kontra Abroad-Minded!

By Susan K July 06,2018
share this

Turismo kontra Abroad-Minded!

By Susan K July 06,2018
share this

MAY mga probinsiya tayong sadyang dinadayo ng mga turista. Nangangahulugan lamang iyan na may pera sa turismo.

Hindi lamang mga dayuhan kundi kapwa Pinoy din ang tumatangkilik nito. Nagiging bahagi na nga ng buhay ng Pinoy, lalo pa yaong may mga kakayahan na maglibot at pasyalan ang iba’t ibang mga lugar ng Pilipinas upang mag relaks at makapag-bakasyon.

Maging ang mga kabataan ngayon, napaka aktibo sa paghahanap ng mga lugar na mapapasyalan.

Yaong dati rati na wala namang interes na mamasyal, super abang naman ngayon sa mga promo ng eroplano at hotel o mga bahay na pansamantalang matitirahan sa kanilang pagbabakasyon.

Hanggang patuloy na tinatangkilik ang turismo, tiyak na mayroong kabuhayan para sa mga kababayan natin sa mga probinsiyang ito.

Katuwiran nga naman nila, bakit pa sila mag abroad kung may hanapbuhay naman ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa sariling probinsiya at hindi na kailangang maghiwa-hiwalay pa sila.

Tulad na lamang ng pamilya ni Danny na naninirahan sa isa sa pinakamagandang Isla ng Pilipinas. Pareho silang marunong kumanta ng kaniyang misis. Nag-aral sila ng reflexology at parehong propesyonal na mga masahista.
Marunong ding magmaneho si Danny.

Sa araw nagmamaneho ito at sumusundo ng mga turista upang ihatid sa kanilang mga hotel na tinutuluyan, at sa gabi naman, partner sila ni misis na tumutugtog at kumakanta sa isang bar. Naka kapag service din si misis para magmasahe.

Mas malaki ‘anya ang kinikita nila kung ikukumpara sa mga nag oopisina. Dahil mas maraming service, mas maraming tip lalo pa kung natatapat sila sa mga galante at magagaling mag tip. Hindi lahat ng dayuhan ay ganoon ‘anya, may mga Pinoy na mas galante pa nga raw sa ibang lahi.

Kaya bakit pa nga naman sila mangingibang bayan? Burado ang abroad minded sa mga probinsiyang ito.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending