Misis ni mayor ginugulo pa rin ng masamang alaala

By Den Macaranas July 06,2018
share this

Misis ni mayor ginugulo pa rin ng masamang alaala

By Den Macaranas July 06,2018
share this

HANGGANG ngayon pala ay hindi na muling humawak ng manibela ang misis ng isang sikat na mayor sa ating bansa.

Mula kasi noong nakasagasa at nakapatay siya ng isang pedestrian ilang taon na ang nakalilipas ay hindi na muling nagmaneho si Madam.

Sinabi ng ating Cricket na matinding trauma ang inabot ni Madam dahil kitang-kita niya kung paano namatay ang biktima.

Naganap ang insidente maraming taon na rin ang nakalilipas.

Hindi pa mayor noon ang kanyang mister pero kilala ito bilang isang kurap na government official.

Dahil sa tumanggap ang kanyang mister noon ng malaking commission sa isang project ng pamahalaan ay kaagad siyang bumili ng isang Sports Utility Vehicle (SUV).

Bagong-bago pa noon ang nasabing sasakyan nang gamitin ni misis papunta sa isang sosyalan sa isang lungsod sa Metro Manila.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng kontrol sa manibela si Madam na siyang dahilan kung bakit siya nakasagasa at nakapatay ng isang pedestrian.

Dead-on-the spot ang biktima kung saan ay mabilis namang gumawa ng paraan ang kanyang mister na government official.

Kaagad nilang inareglo sa malaking halaga ang pamilya ng biktima kaya naman wala nang naganap na demandahan noong mga panahong iyun.

Bagamat mayor na si Sir at first lady naman ng isang kilalang lungsod si Madam ay hindi pa rin sila nakaka-move on sa pangyayari.

Yun ang dahilan kaya’t hanggang ngayon ay hindi na muling humawak pa ng manibela si Madam.

Ang misis na patuloy na ginugulo ng alaala ng malagim na aksidente na kanyang minsang kinasangkutan ay si Misis M…..as in Malaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending