Mga benepisyo ng kasambahay

By Liza Soriano July 06,2018
share this

Mga benepisyo ng kasambahay

By Liza Soriano July 06,2018
share this

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. ang auntie ko ay mag 18 years na sa kanyang pinapasukan bilang household workers.

Napakabait po ng amo niya wala naman daw siyang masasabi pero ang problema parang wala naman daw siyang pahinga o halos araw araw ay pumapasok. Gusto niya po na ipatanong kung ano ang benipisyo sa mga household workers na tulad ng ng auntie. Gusto ko rin po sana siyang bigyan ng impormasyon sa karapatan ng tulad niyang kasambahay.

REPLY: Bukod sa mga benipisyo na nakapaloob sa Domestic Worker’s Act o Batas kasambahay ay may karagdagan pa g benepisyo sa leave ang mga household service workers

Sa inisyung Labor Advisory ni Secretary Silvestre Bello III, tatlong karagdagang batas ang binanggit niya na nagbibigay sa mga kasambahay ng special leave benefits.

Sa ilalim ng advisory, ang mga household service workers na pasok sa requirements para sa Solo Parent Leave (RA 8972), Special Leave Benefit for Women sa ilalim ng Magna Carta for Women (RA 9710), at Violence against Women and their Children (VAWC) Leave (RA 9262), ay maaaring mag-aplay para sa nasabing mga leave benefit na isinasaad ng batas.

Ang mga nasabing benepisyo sa leave ay liban pa sa limang araw na service incentive leave na isinasaad sa ilalim ng Labor Code.

Ang mga domestic household workers ay maaaring mag-aplay para sa Solo Parent Leave sa ilalim ng RA 8972 kung sila ay magsasagawa ng parental duties and responsibilities kung saan kinakailangan ang kanilang pisikal na presensya.

Samantala, ang Special Leave Benefit para sa mga kababaihan sa ilalim ng Magna Carta for Women, o RA 9710 ay nagbibigay ng dalawang linggo hanggang 60 araw (o 2 buwan) ng bayad na leave. Angkop din ito sa mga babaeng manggagawa na mayroong gynecological disorder at nangangailangan ng surgical procedure tulad ng dilatation at curettage o mga operasyon sa female reproductive organ at iba pang gynecological surgery tulad ng hysterectomy, ovariectomy, at mastectomy.

Ang mga kasambahay din na biktima ng physical, sexual, at psychological violence, at economic abuse, ay maaaring mag-aplay para sa 10-araw na paid leave sa ilalim ng Republic Act No. 9262.

Ang ating mga household service worker ay may karapatang makuha ang mga benepisyo sa ilalim ng RA 10361, o Batas Kasambahay.
Ang mga employer naman ay hindi pinagbabawalan na magbigay ng karagdagang benepisyo liban pa sa minimum requirement ng batas

Kinakailangan umanongmagkaroon ng maayos na dayalogo sa pagitan ng kasambahay at kanilang employer para maresolba ang anumang hindi pagkakaintindihan.

Isinasaad sa RA 10361 ang mga benepisyo para sa mga household service worker tulad ng standard minimum wage, at iba pa.

Ang Batas Kasambahay law, na itinuturing na landmark labor and social legislation, ay nagtatakda rin sa household service workers na mabigyan sila ng mandatory social benefit tulad ng SSS, Philhealth, at Pag-Ibig, 13th-month pay, limang araw na annual service incentive leave, at isang buong araw na hindi naaabalang rest day sa loob ng isang linggo.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending