True ba, Andi nakipagbalikan kay Jake?

By Reggee Bonoan July 06,2018
share this

True ba, Andi nakipagbalikan kay Jake?

By Reggee Bonoan July 06,2018
share this

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

“BAKA naman sila pa rin ni Jake Ejercito?” Ito ang narinig naming komento mula isang katoto habang pinag-uusapan ang pakikipaghiwalay ni Andi Eigenmann sa boyfriend nitong surfer na si Emilio Arambulo.

Posible naman dahil kahit matagal nang hiwalay si Andi kay Jake ay mayroon pa ring komunikasyon ang dalawa dahil nga sa anak nilang si Ellie.

Pero tanda namin nu’ng opisyal nang karelasyon ni Andi si Emilio at balitang nagli-live-in na ay umalma si Jake, hindi kasi siya pabor na kasama ng aktres at ni Ellie ang boyfriend nito sa bahay. Huli naming nakita na magkasama sina Emilio at Ellie sa thanksgiving presscon ng The Greatest Love kung saan kabilang si Andi.

Kaya muli na namang nagkaroon ng gusot sa pagitan nina Andi at Jake hanggang sa nauwi nga ito sa legal battle dahil gusto ng huli na makuha niya ang kustodiya ng anak o malaya niyang mahihiram si Ellie anumang oras na gustuhin niya.

Mukhang nagkaroon naman ng settlement sa pagitan nina Jake at Andi dahil mas madalas na sa kanyang ama si Ellie at ang nanay naman niya ay tumira na sa Baler kasama nga si Emilio.

Nabalitaan namin na nakakasama na muli ni Andi ang anak pero kapag bakasyon lang dahil may pasok ang bata na nakatira na ngayon kay Jake.

Natanong namin si Jake noon kung may chance pang magkabalikan sila ni Andi, umiling siya. Pero naniniwala kami na kung sila talaga ang itinadhana, magkakabalikan at magkakabalikan sila. Na hindi naman
imposibleng mangyari dahil sabi nga ni Andi greatest love niya si Jake.

Tiyak na magiging masayang-masaya si Ellie kapag nagbalikan ang magulang niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending