Anne napikon sa pang-ookray ni Vice sa isinuot na gown sa Miss Q&A finals? | Bandera

Anne napikon sa pang-ookray ni Vice sa isinuot na gown sa Miss Q&A finals?

Ambet Nabus |July 06,2018
facebook
share this

Anne napikon sa pang-ookray ni Vice sa isinuot na gown sa Miss Q&A finals?

Ambet Nabus - July 06, 2018 - 12:25 AM

ANNE CURTIS AT VICE GANDA

Pinag-uusapan pa rin until now ang iba’t ibang gowns na isinuot ni Vice Ganda during the grand coronation of Miss Q&A ng It’s Showtime.

Ang dami-dami naman kasing kinabog ni Vice na mga co-hosts niya, ultimo ang mga beauty queens na umupo as judges ay tinalbugan niya sa ilang beses na pagpapalit ng outfits.

May umiikot ngang tsismis na diumano’y kinuyog nina Mariel Padilla, Anne Curtis, Amy Perez at iba pang hosts ng Showtime si Vice dahil dito.

Ayon sa tsismis, diumano’y kunwaring pinuri at sinakyan ng mga ito ang paandar na gowns ni Vice and yet, pagdating daw sa kanilang respective dressing rooms ay pinag-usapan nila ito in a very sarcastic manner?

Sey pa ng same source namin, “Sanay na sila sa ganyan. Kung plastikan man sa kanila iyan, alam na nila iyan. Pero hindi talaga maiiwasan at mawawala yung magpatalbugan sila kahit sa mga damit man lang.”

Pero ang tanong, totoo bang napikon si Anne sa pang-ookray ni Vice sa mga gown na isinuot niya sa grand finals ng Miss Q&A, lalo na nang sabihin nitong parang may bandage ang boobs niya sa suot niyang black dress?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending