GF naglalandi raw; BF sadya lang seloso?

By Beth Viaje July 06,2018
share this

GF naglalandi raw; BF sadya lang seloso?

By Beth Viaje July 06,2018
share this

DEAR Ateng Beth,

Hello sa ‘yo ateng. I am Jhaymar of Iloilo City.

Gusto ko po sana na humingi ng payo sa ‘yo kung ano ang dapat kong gawin sa aking girlfriend na mahilig makipaglandian sa ibang lalaki.

Parati po akong napapaaway dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko sa kanya.

Salamat po.
Jhaymar

Dear Kuya Jhaymar,

Ano ka ba naman? Alam na this, dapat! Grabe ka kung makapaghusga sa girlfriend mo. Kung ganon pala ang tingin mo sa kanya, e, bakit hindi mo hiwalayan? Makipag-break ka na sa kanya!

Itatanong pa ba yun?

Sino ba ang hinihintay mong landiin niya (kung totoo man yang akusasayon mo na nakikipaglandian siya sa ibang lalaki)?

Ano pa bang klaseng pang-aaway ang gusto mong maranasan para sa pagtatanggol sa kanya?

Pero teka, bakit ba nanglalandi ang girlfriend mo (kung true man na nanglalandi nga siya)? Naisip mo na ba siyang tanungin o kausapin tungkol dito?

Sorry ha, hindi ko talaga maisip na paglalandi ang tawag mo.

Talagang paglalandi ang tawag mo, hindi kaya puwedeng over friendly lang si GF? Baka nakikipagkaibigan lang?

Anong mga ebidensiya mo na nakikipagrelasyon siya sa iba? At kung sakali mang nakikipaglandian nga sya, bakit mo tinotolerate? Dapat hiniwalayan mo na agad!

O baka naman, over lang ikaw sa pagiging seloso mo kaya nang-aaway ka kaagad ng mga lalaki na posibleng mga kaibigan lang naman ni GF o mga bagong kakilala niya?

Baka naman ikaw ang naglalagay ng malisya sa mga ginagawa nyo?

Kung hindi mo na alam ang gagawin mo, again, bakit hindi ka na lang makipaghiwalay kaysa sa lagi ka na lang kamong napapaaway.

At huwag mong sasabihin sa aking mahal na mahal mo si GF. Kasi kung true man na love mo siya, either itolerate mo yan o ayusin mo relasyon ninyong dalawa.

So kung di mo na kaya, hiwalayan mo na. Kung mahal mo pa ayusin at pag-usapan nyo.

May problema sa puso, relasyon o pamilya? I-text lang sa 09989558253 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending