Lugaw ni Tiglao

By Lito Bautista July 06,2018
share this

Lugaw ni Tiglao

By Lito Bautista July 06,2018
share this

SAPAGKAT nagkasala ang bayan, di lamang minsan kundi higit pa, hindi Ko tatalikuran ang Aking galit. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Amos 2:6-10, 13-16; Sal 50:16-23; Mt 8:18-22) sa Lunes sa ika-13 linggo ng taon.

Hindi ipagtatanggol ni Bishop Romulo Valles, pinuno ng CBCP, ang kanyang kaibigang si Digong, lalo na sa pagmumura’t pandudusta, sa kanilang pagkikita. Tulad ng demonyo, hindi sumusunod sa payo si Digong, lalo na mula sa simbahan, kaya anumang inisip ng mga obispo ay balewala sa lantay ng kasamaan ng pagmumura. May obispong nagsabi na waldas-oras lang ang pakikipag-usap kay Digong.

Maaaring ang mamayani ay ang sinabi ni apostol Pedro (1 P2:23). Si Kristo’y di rumesbak nang ininsulto, o naglatag ng paghihiganti nang pahirapan at magdusa. Kay Pedro, nasa kamay ng Ama ang lahat, tulad ng Unang Pagbasa, tulad ng ginawa sa Delubyo at Sodom at Gomora. O mauwi ang lahat sa Lukas 6:27-28.

Pamatay-sunog si Valles sa ikalimang alarma ng apoy na nagmula sa estupidong pahayag ng pangulo. Pero, nakadadarang ang batuhan ng batikos sa social at mainstream media. Isa na riyan ang paggigiit ni Tiglao lugaw ( lugaw centers, free for anybody) na dapat daw gawin ng simbahan. Hindi sumasayad sa lupa (baka sa golf course) ang paa ni Tiglao.

Si Fr. Vic Robles, ng Diocese of Malolos, ay may tatlong ampunan: para sa mga baliw na lalaki, para sa mga baliw na babae at mahigit 100 bata. Kanin, hindi lugaw ni Tiglao, ang ipinakakain ni Robles sa mga itinapon ng kanilang pamilya’t lipunan. Bukod sa kanin, may ulam, gamot, lampin-tapon, pa-doktor, pa-ospital at pa-swimming pa sa mga bata tuwing kuwaresma. Gets mo ‘to Tiglao? Take mo.

Hinggil sa aking kolum na “Kanin-baw, kanin-ball,” hindi kumakain ng lugaw ang pamilya kariton. Sa lugaw, madali silang magugutom at di makapangangalakal (pagdampot ng mga maibebenta mula sa bunton ng basura). Alam din ni Jess Matubis kung paano mamuhay sa kulang P10,000 ang pamilya kariton, na di pa alam ni Tiglao.

Uso ang sniper fire. Sakmal ng takot si Ralph Recto dahil gumagala pa ang sniper sa Batangas. Tatlo na ang napatay ng sniper sa Batangas, ani Recto. Kahit sino ay puwedeng umiwas sa sniper fire. Si John Kennedy ay di nakaiwas sa sniper dahil di niy(l)a akalain. Ganoon din naman sina alkalde Hidalgo’t Halili. Just don’t be sitting ducks. Just don’t be standees.

Bilang SILG, labis na nabahala si Angie Reyes sa mga journo (sa kanyang termino, sunud-sunod ang pagpatay sa mga mamamahayag). Malinaw ang paliwanag ni Angie hinggil sa surrounding assessment. Ang di abot ng pananaw, nariyan ang peligro. Ang di akalain, diyan tutumbahin. Salamat sa mga turo mo, Angie. Tulad ni Fr. Cirilo Nacorda, ligtas din, kahit saglit, ang mga journo (na hinikayat ni Angie) na de-baril.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, Malhakan, Meycauayan, Bulacan): Bakit nga ba may matatandang madaling magalit? Ang ilan, likas na galit. Ang galit ay isa sa mga emosyon na ibinigay ng Diyos. Nagagalit din ang Diyos, tulad ng nasa Unang Pagbasa. Galit ang matatanda sa maiingay, sa di nagbabayad ng utang, sa bastos, atbp. Di dapat magtagal ang galit ng matatanda, tulad ng isinasaad ng Salmo 30:5.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Harmony, Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan): Bilang Kristiyanong magulang, kaya mo bang sikmurain ang pagsasama ng dalawang lalaki sa isang silid ng bahay mo o sisikmuraan mo ang anak mo? Buhay na buhay ang talakayan sa same sex. Walang kapaguran. Pero, bakit papagurin pa ang mga mambabatas sa pagtalakay sa same sex gayung sa ibabang iskwater ng subdibisyon ay nagsasama na ang same sex bakla tomboy?

PANALANGIN: Pagkalooban mo siya Panginoon, ng iyong pagbabasbas, kapalit ng mga salitang binitiwan niya laban sa amin. Panalangin sa taong nakasakit sa akin, ni Fr. Mar Ladra.

MULA sa bayan (0916-5401958): Maluuy ka Digong. Oro na ang presyo ng gasolina. Bayad sa habal-habal P250. …9855 San Vicente, Bislig City

Nanalo at nag-opisina na si kagawad. Di na niya kami kilala. Di rin niya tinupad ang pangako. …3211 Barangay 6, Bukidnon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending