Regine naka-relate sa lifestory ng mga nakapasok na finalist sa 'The Clash' | Bandera

Regine naka-relate sa lifestory ng mga nakapasok na finalist sa ‘The Clash’

Ervin Santiago |July 01,2018
facebook
share this

Regine naka-relate sa lifestory ng mga nakapasok na finalist sa ‘The Clash’

Ervin Santiago - July 01, 2018 - 12:30 AM

SIGURADONG matindi ang magiging bakbakan ng mga contestants sa bagong reality singing search ng GMA 7, ang The Clash hosted by Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Kilalanin sa pagsisimula ng The Clash sa darating na July 7 ang 62 contestants na napili sa isinagawang auditions all over the country nitong mga nakaraang buwan na sinaksihan mismo ng Songbird.

Sa unang showdown pa lang, kalahati na agad sa mga clashers ang matatanggal dahil sa gagawing one-on-one battle kaya asahan na ang mainitan at buwis-buhay na biritan sa pilot episode pa lang ng programa.

Bukod dito, siguradong mata-touch din ang televiewers sa mga ibabahaging kuwento ng clashers tungkol sa kani-kanilang personal na buhay. Sabi nga ni Regine, dito siya nakaka-relate dahil produkto rin siya ng mga singing contest noon bago nagmarka bilang music icon sa Asia.

“A lot of them halos kapareho din ng istorya ko na from a poor family and they want to help their families and that’s why they’re using their God-given talent. So it’s very inspiring actually,” sey ni Regine sa presscon ng The Clash.

Excited na rin si Regine sa pagsisimula ng bagong singing search ng GMA dahil alam niyang marami na namang talentadong Pinoy na madi-discover ang music industry.

“Since the auditions started, na-excite ako kasi ang dami nilang nakapasok. Magsisimula na yung main elimination round and mas makikita natin yung talent nilang lahat. Excited ako na magsimula yung pagka-clash ng bawat isa sa kanila,” sey pa ng misis ni Ogie Alcasid.

Sa presscon ng The Clash ipinakilala rin ang mga magsisilbing judge sa contest, sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha. Napi-feel daw nila na mahihirapan silang magdesisyon kung sino ang tatanggalin at kung sino ang magpapatuloy sa laban.

“Mabigat sa loob kasi mayroon ka na agad kailangang tanggalin. Ang mahirap nito hindi mo pa kasi nakikita ‘yung iba, kailangan mo na agad gumawa ng desisyon,” pahayag ni Lani.

Dagdag pa niya, “I think this program is a refresher for me because makakatrabaho ko sina Regine, Ai Ai and Christian na years ago ko na rin nakasama. This time, it’s different kasi we’ll be working as a team to choose kung sino ba talaga ang deserving to be the first The Clash champion kaya nakaka-excite.”

In fairness, pinakiusapan pa raw talaga ni Lani ang mga producers ng gagawin niyang mga concert sa Amerika na i-reschedule ang mga ito para maging bahagi ng The Clash.

Sey naman ni Christian, “There’s no third option eh, there’s no third choice. Halimbawa lima ‘yung pumasok ang dali, ‘Siya pinakamagaling.’ Ito dalawa tapos parehong magaling, naku po!”

Dugtong pa niya, “Para sa akin, makukuha nila ang vote ko if in terms of singing, they chose the right song and makanta nila ito ng maayos. And of course, in terms of performance, they have to connect with us—the TV audience to make us feel their song.”

Sey naman kay Ai Ai, handa na siyang mahirapan sa pagdya-judge sa The Clash, matira-matibay na lang daw ang labanan.

“Hindi lang kailangan dito ‘yung magaling ka kumanta, kailangan matapang ka rito sa contest na ito. Kasi magtatapat kayo talaga eh. Iba kasi ‘pag ‘yung one-on-one talaga, kita mo na agad,” chika ni Ai Ai.

“Tsaka natutuwa ako kasi sobrang different ng The Clash from other singing competition. Iba yung concept nila. Mayroon silang chance na ipakita talaga yung husay nila in singing,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa The Clash sina Andre Paras at Joyce Pring bilang “Clashmates” para maghatid ng blow-by-blow accounts ng mga ganap sa backstage.

Magsisimula na ang bakbakan sa The Clash ngayong July 7 sa GMA mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending