Reyna pa rin: Maine sunud-sunod ang mga pasabog sa career

By Jun Nardo June 30,2018
share this

Reyna pa rin: Maine sunud-sunod ang mga pasabog sa career

By Jun Nardo June 30,2018
share this

MAGBUBUNYI ang fans ni Maine Mendoza at siyempre, pati na ang AlDub Nation dahil sa sunud-sunod na pasabog ng Phenomenal Star ngayong July.

Ilan sa activities ni Meng ay ang official launch niya bilang recording artist ng Universal Records. Then, ‘yung launching ng kanyang MacLippie sa isang malaking mall na madaling puntahan ng kanyang supporters.

Sa buwan ng Hulyo rin ang event niyang Mainelandia sa Makati City. May iba’t ibang activities kaugnay nito gaya ng film showing ng pelikulang “Meet Me At St. Gallen” na idinirek ni Irene Villamor na siya ring nagdirek ng seryeng Destined To Be Yours nina Alden at Maine.

July ang third year celebration ni Maine sa showbiz so dapat lang na maging bongga ito, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending