Ex-govt official isinabit si Mr. Legislator sa demolition job

By Den Macaranas June 29,2018
share this

Ex-govt official isinabit si Mr. Legislator sa demolition job

By Den Macaranas June 29,2018
share this

IKINUWENTO ng isang dating opisyal ng gobyerno ang isang mambabatas na nasa likod ng pagsira sa pangalan ng isa ring pulitiko na muntik ng maging pangulo ng bansa.

Para matiyak na mananalo sa halalan ang manok ni Mr. Legislator ay siya na mismo ang isa sa mga gumawa ng paraan para matiyak na wasak ang pangalan ng isa sa mga matinding kalaban nito noong nakalipas na halalan.

Pero sa kasamaang palad ay natalo rin ang sinusuportahang kandidato ng mambabatas tulad ng pulitiko na kanilang giniba noong eleksyon.

Malaki ang naging papel ng bida sa ating kwento ngayong araw dahil siya ang nagmistulang mitsa na pinagmulan ng mga pasabog na naging dahilan kaya nadiskaril ang political career ng dati niyang kaibigan at kakampi sa pulitika.

Pero dahil rin sa naunsyaming political dream ng ating bida kaya sya bumaliktad at idiniin sa iba’t ibang kaso ng katiwalian ang kanyang dating kasangga.

Ayon sa kwento ng dating pulitiko, isa raw si Mr. Legislator sa mga nag-pressure sa kanya para dikdikin ang dating kakampi na pulitiko.

Kaya naman pala galit dito si Mr. Legislator ay dahil sa akalang na-double cross siya ni Mr. Politician.

Meron kasi silang pinagsamahan na plano noong mga nakalipas na taon kaugnay sa planong pagpapabagsak sa gobyerno noong mga panahong iyun.

Si Mr. Legislator ang inulan ng batikos dahil sa kanilang sablay na “moves” samantalang hindi man lamang nasabit sa isyu si Mr. Politician na malaki rin naman ang papel sa nasabing plano.

Since then ay nagbalak na ng pagihiganti ang mambabatas bagaman siya daw ang nakakuha ng malaking bahagi ng kanilang pondo noong mga panahong iyun.

Ngayon ay ikinukwento na ng dating opisyal ang mga pangyayari noong panahon bago ang halalan dahil nagkasundo na sila ni Mr. Politician makaraang mamagitan ang kanilang mga common friends.

Tutal ay tapos na ang political season kaya ngayon ay magkaibigan na ulit ang dalawa samantalang naiwan naman sa kangkungan si Mr. Legislator na ngayon ay dumistansya na rin sa dating pulitiko dahil alam niyang ibibisto siya nito.

Ang dating pulitiko na nakipagkasundo na sa dating kandidato sa top post sa bansa ay si Mr. M….as in Markado.

Si Legislator naman ay si Mr. A….as in Anti-Terror.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending