Mark, Jay magkasangga noon, mortal na magkaaway ngayon | Bandera

Mark, Jay magkasangga noon, mortal na magkaaway ngayon

Ervin Santiago |June 27,2018
facebook
share this

Mark, Jay magkasangga noon, mortal na magkaaway ngayon

Ervin Santiago - June 27, 2018 - 12:40 AM

ANG dating partners in crime, mortal enemies na ngayon. Yan ang peg ng mga karakter nina Mark Herras at Jay Manalo bilang sina Darius at Supremo sa action-series ng GMA na The Cure.

Naging magkaaway ang dalawa dahil na rin sa palabang karakter ni Jennylyn Mercado sa serye bilang si Charity.

Hinikayat na kasi ni Charity si Darius at ang ilan sa kanilang kasamahan na magsanib-pwersa para labanan si Supremo at wakasan na ang kasamaan nito.

Mas magiging maaksyon at exciting pa ang mga susunod pang kaganapan sa The Cure lalo pa’t parami na nang parami ang nabiktima ng killer virus sa kanilang lugar. Bukod sa pag-aaway nina Supremo at Darius, marami pang nakaka-shock na twist and turn sa kuwento.

Sino nga kaya ang mananalo sa labanang ito? Matapos na nga kaya ang pagiging siga ni Supremo? Yan ang dapat n’yong abangan sa pagpapatuloy ng kuwento ng The Cure after 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending