Andi hindi nakasama si Ellie sa 27th b-day; sumama sa ama sa SG

By Ervin Santiago June 26,2018
share this

Andi hindi nakasama si Ellie sa 27th b-day; sumama sa ama sa SG

By Ervin Santiago June 26,2018
share this

ANDI EIGENMANN AT ELLIE

Speaking of Andi Eigenmann, first time raw na hindi nakasama ng aktres ang anak na si Ellie sa kanyang 27th birthday celebration kahapon dahil nga kasama ito ni Jake sa Singapore.

In fairness, humanga raw si Jaclyn Jose sa kanyang anak nang magparaya ito sa ama ni Ellie. Sey ni Jaclyn sa kanyang Instagram post, “1st time that you celebrated your birthday with out Ellie, I ask you why? You said minsan lang mag-graduate si Jake I can always have her more of my Birthday.

“I agree with that ok lang kasi mas lalo mo ako pinapahanga sa pag mamahal mo kay Ellie…So proud of you for [being] level headed. Ingat lang anak sa dagat,” pahayag pa ng award-winning actress.

Marami ring netizens ang pumuri kay Andi bilang ina ni Ellie. May nagkomento na nag-mature na siya dahil mas inuuna na niya ngayon ang kapakanan at kaligayahan ng kanyang anak kesa sa ibang bagay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending