2 female singer parehong tibo, naging magdyowa raw

By Cristy Fermin June 26,2018
share this

2 female singer parehong tibo, naging magdyowa raw

By Cristy Fermin June 26,2018
share this

BAKIT kaya ipinagpipilitan ng mga dati nilang nakakasama na nagkaroon ng magandang episode sa pagitan ng dalawang magagaling na female singers?

Naging magkarelasyon daw sila, matagal na nagmahalan at nagbigayan ng suporta, kaya nga lang ay lihim na lihim ‘yun dahil sa kani-kanilang career?

Kuwento ng aming source, “Naging sila! Kami ang paniwalaan n’yo, dahil kami ang palagi nilang kasama nu’ng maging sila! Matindi ang suporta ni ____ (pangalan ng female singer na sumikat sa ibang bansa at naglantad na ng tunay niyang kasarian) nu’n kay ____ (ang female singer na nakilala rin kailan lang sa isang Asian country)!

“Ang mga areglo nu’n ng girl, e, ang tivoli ang nagpagawa, kasi nga, wala pa naman siyang kinikita nu’n, kaya ang friend kuno na niya ang sumagot dahil malakas ang raket niya nu’n!

“Palagi silang magkasama, nagpupunta pa nga ang girl sa house ng tivoli! Matagal din silang naging magkarelasyon, sa totoo lang!” paninindigang chika ng aming source.

At may bonus pang kuwento ang aming impormante, may pagka-tivoli rin pala ang female singer, nakailang karelasyon na rin palang kabaro niya ang magaling na singer.

“Nu’ng nasa probinsiya pa nila ang female singer na ‘yun, e, meron na siyang dyowang tibo, nagtagal din sila, ha? Ang ipinalit niya sa ex niya, e, tivoli rin, kaya may pagkatibo rin ang girl na ‘yan!

“Hindi ba naman kita sa porma niya na AC/DC siya? Puwede siya sa kuryente, puwede rin siya sa baterya! Imposible bang nagkaroon sila ng relasyon ng tivoli na nagladlad na ng gender niya?

“Nagtutulungan sila, nagdadamayan sa lahat ng panahon, hindi nila puwedeng idenay ang isa’t isa dahil napakaganda ng pinagsamahan nila.

“Di ba, sa huling concert ni tivoli, e, biglang dumating ang girl? Napakahigpit kaya ng yakapan nila!

Bakit nga naman, kahit pareho na silang sikat ngayon, e, patuloy pa rin ang suportang ibinibigay nila sa bawat isa!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kapag hindi n’yo pa naman nahulaan kung sinu-sino sila, kayo na ang may kasalanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending