Dating sikat na loveteam magbabalikan

By Reggee Bonoan June 26,2018
share this

Dating sikat na loveteam magbabalikan

By Reggee Bonoan June 26,2018
share this

Sana matuloy ang pelikulang pagsasamahan ng dating magka-loveteam dahil nakasisiguro kami na marami pa rin silang fans hanggang ngayon.

Tsika ng aming source ay nag-pitch na ang kilalang producer/director sa manager ng aktor para sa pelikulang pagsasamahan nila ng TV host-actress na ilang taon na ring hindi nagsama sa isang proyekto.

Halos lahat ng pelikulang ginawa ng aktor at ng TV host-actress ay kumita kaya nga nagkasunud-sunod ito at nahinto na lang noong may iba nang ipinareha sa huli dahil hinaharang na ng kampo nito ang mga offer.

Nalungkot ang fans ng dalawa pero maski na hindi na ang mga idolo nila ang magkasama sa project ay suportado pa rin nila ang respective career ng mga ito.

Nag-click din naman ang mga proyektong ginawa ng aktor kasama ang iba’t ibang leading lady, ganu’n ang TV host-actress na kung kani-kanino rin naitambal.

Natatandaan pa namin nang aming itanong sa kampo ng TV host-actress kung bakit ayaw na nila sa aktor, ang tugon nila, “Babaero eh.”

Hindi kami kaagad nagsalita noon, pero ang alam namin ay hindi naman playboy ang aktor, sa katunayan ay one-woman-man nga ito.

Hanggang sa nalaman naming hindi pala boto ang kampo ng TV host-actress sa aktor kaya pilit silang pinaghiwalay.

Anyway, matagal nang tapos ang bahaging ito ng kanilang buhay kaya siguro naman ay hindi na hahadlangan ng kampo ng aktres ang offer kung sakaling ma-finalize na ang nilulutong proyekto para sa muli nilang pagsasama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending