Vice sagot na ang gown ng Miss Q&A grand finalists, may bonus pang mga raket | Bandera

Vice sagot na ang gown ng Miss Q&A grand finalists, may bonus pang mga raket

Ambet Nabus |June 25,2018
facebook
share this

Vice sagot na ang gown ng Miss Q&A grand finalists, may bonus pang mga raket

Ambet Nabus - June 25, 2018 - 12:25 AM

BEAUCON na rin lang ang usapan, tuwang-tuwa kami sa naging last day ng “Resbek” week sa Ms. Q&A ng It’s Showtime.

Kapwa kasi magaling at mahusay ang dalawang naglaban na sa bandang huli ay ginawa na lang “tie” ng mga hurado.

Mukha ngang nakaiskor na naman ng magandang viewership ang show laban sa katapat nito dahil kahit hindi nga ganu’n ka-fabulous sa ganda ang mga kandidata ng naturang portion, kakaibang sigla at saya naman ang hatid nila sa manonood.

Pero totoo namang mas masaya at kuwela ang portion kapag nandoon si Vice Ganda, na muli na naman palang naospital kamakailan.

Si Vice Ganda na muli na namang magbabahagi ng yaman sa pamamagitan ng pag-sponsor sa mga kandidata ng kanilang mga damit at gamit and yes, additional bonggang prizes, like pag-include sa mga raket nito including concerts and movies, on top of the already big prizes na ibibigay ng It’s Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending