20 lotto milyonaryo mula Enero | Bandera

20 lotto milyonaryo mula Enero

Leifbilly Begas |June 24,2018
facebook
share this

20 lotto milyonaryo mula Enero

Leifbilly Begas - June 24, 2018 - 08:01 PM

AABOT sa 20 katao na ang nanalo ng jackpot prize sa Lotto ngayong taon, ayon sa datos ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hanggang sa bola noong Sabado ng gabi.

Dalawa ang naghati sa P331.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 noong Pebrero 16.

Lima naman ang nanalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55. Una noong Enero 3 kung saan isa ang nanalo ng P29.7 milyon. Isa rin ang nanalo ng P64.2 milyon noong Pebrero 19.

Noong Mayo 19 ay dalawa ang naghati sa P126.1 milyon at isa ang nag-uwi ng P29.7 milyon noong Hunyo 6.
Lima ang nanalo ng jackpot prize ng Super Lotto 6/49. Dalawa noong Enero 23 (P78.1 milyon), isa noong Marso 25 (P104.2 milyon), isa noong Mayo 6 (P45.4 milyon) at isa rin noong Hunyo 17 (P50.9 milyon).

Sa MegaLotto 6/45, walo ang naka-jackpot. Isa ang nanalo ng P9.5 milyon noong Enero 8, isa rin noong Pebrero 7 na nagkakahalaga ng P45.3 milyon, isa noong Marso 7 (P42 milyon), dalawa noong Abril 4 (P35.9 milyon), dalawa noong Mayo 11 (P49.3 milyon) at isa noong Mayo 25 (P15.8 milyon).

Walo naman ang nanalo ng jackpot sa Lotto 6/42. Noong Enero 2 isa ang nanalo ng P24.8 milyon, Enero 9 isa ang nag-uwi ng P7.8 milyon. Isa noong Pebrero 13 (P49.6 milyon), isa noong Marso 6 (P26 milyon), isa noong Marso 15 (P10.2 milyon), isa noong Marso 27 (P12.4 milyon), isa noong Mayo 10 (P48.9 milyon) at isa noong Mayo 29 (P19.8 milyon).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending