Relasyon ng 2 biriterong male singer may malisya; magkasama buong magdamag | Bandera

Relasyon ng 2 biriterong male singer may malisya; magkasama buong magdamag

Cristy Fermin |June 25,2018
facebook
share this

Relasyon ng 2 biriterong male singer may malisya; magkasama buong magdamag

Cristy Fermin - June 25, 2018 - 12:15 AM

BAKIT kaya ayaw mamatay-matay ang kuwento tungkol sa espesyal kunong relasyon ng dalawang biriterong male singers? May edad na ang isa at ang isa naman ay batambata pa.

Matagal nang umiikot ang balita na madalas magpunta sa bahay ng mas may edad na male singer ang bagets, nagtatagal daw siya du’n nang maghapon at magdamag, kaya maraming kuwentong naglulutangan tungkol sa kanilang dalawa.

Impernes, malay naman natin, baka nagpapaturo lang ang bagets singer sa tinatawag niyang kuya kung paano ang matagumpay na pagbirit? Kilalang-kilala kasi si kuya sa pag-abot nang matataas na nota.

Kuwento ng aming source, “Naku, nu’n pa ang kuwentong ‘yan! Ang dami-daming istoryang lumalabas tungkol sa kanila. Alangan daw namang naglalaro lang sila ng chess kapag nagpupunta ang bagets sa bahay ng kuya niya?

“Hindi rin naman kapani-paniwalang nagbabasa lang sila ng komiks kapag magkasama sila, di ba naman? Pinagtsitsismisan na nga sila ng mga co-singers nila, sa totoo lang!

“Pero puwede rin nga na nanghihingi lang ng payo ang bagets singer sa kuya niya para makaabot din siya ng mga towering notes. Alam n’yo naman kung gaano katinding bumirit ang kuya niya, di ba?

“Pero hanggang du’n na lang sana ‘yun. Hanggang nota lang sana ng musika ang bonding nila. Iba na kasi kapag ibang nota ang pinag-usapan,” kuwento ng aming impormante.

Kahit kuno sa isang weekly variety show ay kalat na ang kuwentong madalas magpunta sa housing authority ng older singer ang bagets na bumibirit-birit din. Walang masama du’n, ang question na lang ay kung bakit madalas silang magkasama, samantalang marami namang kaibigang bagets singer ang younger biritero?

“Naku, kailangan nilang magpaliwanag, dapat nilang i-explain kung bakit madalas silang magkasama. Voice teacher ba ng bagets ang kuya niya?

“Pagbirit nga lang kaya ang ipinatuturo ng bagets singer sa kuya niyang super-biritero?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano kung ibang pagbirit pala ‘yun at kakaibang microphone ang gamit nila?” nakataas pa ang kilay na chika ng aming source.

Wala nang clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo nang sigurado kung sinu-sino sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending