Sunshine, Carmina mas pinabongga pa ang Kambal, Karibal | Bandera

Sunshine, Carmina mas pinabongga pa ang Kambal, Karibal

|June 25,2018
facebook
share this

Sunshine, Carmina mas pinabongga pa ang Kambal, Karibal

- June 25, 2018 - 12:40 AM

SA pagpasok ni Sunshine Dizon sa Kambal, Karibal, mas ginanahan pa ang mga Kapuso na tutukan gabi-gabi ang programang pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza.

Mas matitindi pang eksena ang dapat abangan ng mga manonood sa Primetime series na ito ng Kapuso Network lalo pa’t handang-handa na ang karakter ni Sunshine bilang si Maricar na bawiin ang anak niyang si Cheska (Kyline) kay Geraldine (Carmina Villaroel).

Kaya naman sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa karapatan sa dalaga, ki-nabibiliban ngayon ang husay ng dalawang Kapuso actress dahil maraming ina ang nadadala sa kanila. Sa mga komento ng ilang netizens, dama nila ang bawat emosyong ibinibigay nina Carmina at Sunshine.

May isang nanay nga na nagsabing tutok na tutok talaga siya sa tapatan ng mga ito. Hati naman ang reaksyon ng mga viewers sa kung kanino ba dapat mapunta si Cheska.

May mga nagsasabi na dapat daw ay kay Geraldine dahil ito ang nag-alaga kay Cheska simula pagkabata, may ilan namang nagkomento na dapat daw ay kay Maricar dahil ito ang tunay na ina.

Pero sino nga kaya ang magwawagi sa kanilang dalawa ngayong pati si Cheska ay plano nang labanan sina Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline) para lang makabalik sa kanyang katawan.

Patuloy na tutukan ang mga susunod pang pasabog sa Kambal, Karibal after The Cure!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending