Alden magiging magaling at tapat na public servant | Bandera

Alden magiging magaling at tapat na public servant

Ambet Nabus |June 24,2018
facebook
share this

Alden magiging magaling at tapat na public servant

Ambet Nabus - June 24, 2018 - 12:01 AM

ALDEN RICHARDS

NAKAKATUWA naman ang kaibigan nating si papa Mayor Dan Fernandez ng Sta. Rosa, Laguna dahil sa mga papuri nito kay Alden Richards.

Kahit isang matagumpay na pulitiko ng naturang siyudad ang dating aktor, never itong naging maramot sa pagsasabing posibleng in the future ay maging isang magaling na pulitiko rin at lider ang batang aktor.

Tubong-Sta. Rosa si Alden at doon nagsimula ang kanyang pagiging “public figure” dahil marami na rin siyang sinalihang contest doon.

At ngayong sikat na sikat na ang aktor, pinatunayan ni Mayor Fernandez na mas lalo pa itong naging humble at never nitong kinalimutan ang kanyang pinagmulan.

And take note, wala daw mga okasyon ang lunsod na hindi nito sinipot o pinuntahan kahit pa sobrang aga ang call time. At higit sa lahat, hindi ito nagpapabayad ng talent fee.

Well, gaya ng mahal naming Mayor, bilib na bilib nga kami kay Alden dahil ilang beses na rin naming nasubukan ang kabutihan ng puso ng binata.

Bongga ngang maituturing na “yaman” ng kanyang lugar si Alden, kung paanong si papa Mayor Dan ay isa ring maipagmamalaking lingkod bayan at isa sa mga showbiz personalities na naging matagumpay sa larangang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending