'Walang ginawang kasalanan si Karla kay Kris!' | Bandera

‘Walang ginawang kasalanan si Karla kay Kris!’

Ambet Nabus |June 24,2018
facebook
share this

‘Walang ginawang kasalanan si Karla kay Kris!’

Ambet Nabus - June 24, 2018 - 12:10 AM

PAGLILINGKOD-BAYAN daw ba ang intensyon ni Karla Estrada nang i-post nito ang mga larawan ni pareng Mayor Herbert “Bistek” Bautista kasama ang mga anak nito kay mareng Tates Gana?

Well, wala naman kaming makitang mali sa ginawa ni Karla kahit pa nga may mga netizen na nam-bash at kinuwestyun ang kanyang intensyon.

Sa mga hindi pa nakakaalam, best of friends sina mareng Tates at Karla at super close rin ang kanilang mga anak.

Gusto man naming unawain ang sinasabi ng ilan na may pagka-insensitive ang pangyayari sa aspetong may pinagdadaanan si Kris (dahil kay pareng Bistek), hindi naman namin makita ang malisya sa naturang post?

Una, si Kris pa nga ang nagbandera sa show ni Nay Cristy Fermin hinggil sa bakasyong nabanggit nang mapag-usapan nila si Pareng Bistek.

Na-hype lang naman ito uli nang magkaroon ng “Kris Aquino show” during the presscon of “I Love You, Hater,” kung saan naging major topic uli si Mayor HB.

Talagang hindi nagpaawat si Kris sa paglalahad ng kanyang saloobin tungkol sa dati niyang boyfriend. Naiintindihan namin kung saan nanggagaling si Tetay, dahil siya na nga ang nagsabi na may feelings pa rin siya kay Mayor Bistek.

Kaya nga gusto rin naming ipaunawa sa mga namba-bash kay Karla na kung may karapatan si Kris banggitin ang mga pangalan ng mga tao na wala namang kinalaman sa kanilang movie, meron din naman sigurong karapatan ang mga gaya ng nanay ni Daniel Padilla na mag-post ng mga gusto niya sa social media.

At para sa amin, mas bonggang paglilingkod bayan nga ‘yun dahil paulit-ulit na ipinaaalala sa sambayanan na may ibang tao rin na posibleng nasasaktan o naaapektuhan nang dahil lang sa personal na litanya ng isang gaya ni Kris na ginawa na ngang national issue ang usaping “love, love, love!”

Bakit ba ginawang big deal ang naturang mga litrato ni Mayor HB kasama ang kanyang mga anak na gusto lang marahil ipagmalaki at ipagtanggol ni Karla sa mga usaping ang mga anak naman ni Kris ang sangkot?

Hello naman!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending